Kash's POV Ang hirap talaga intindihin ni Kylan. Mas matindi pa pagka-bipolar niya, parang kahapon lang nung sigawan niya ako at nang magkasagutan kaming dalawa tapos ngayon bigla-bigla niya nalang ako yayayain kumain kasabay siya. Ang lakas din ng topak niya. Anong akala niya sakin? Basta-basta nalang siya papatawarin ng ganon? Pero sabagay ako nga dapat ang humingi ng tawad sakanya. Siya lagi ang nagso-sorry pagdating sa aming dalawa. Parte ng nagustuhan ko sakanya ang pagiging mapagkumbaba pero naiinis pa rin ako. He's giving me some kind of hints at hindi ko pa rin maiwasang umasa sa sinasabi niya. "Miss na kita." Tumindig nalang ang mga balahibo ko nang maalala yon. God! Bat pa kasi niya yun sinabi? Malamang aasa nanaman ako nito. Naaasar na talaga ako sakanya. Naramd

