Kash's POV Ilang araw na ang dumaan matapos lumipat si Kylan sa ibang tutuluyan niya. Ako? Sinasanay ang sarili ko mag-isa sa napakalaking unit na ito. Alam ko namang ako yung may kasalanan kung bakit siya umalis. Napaka-pride ko pala, pinairal ko pa yung pride kong mataas pa sa tore. Tapos ngayon hindi manlang ako makakain ng tama sa oras. Nagmumukha na akong zombie sa kalagayan kong to. Kahit araw palang ang dumaan ang alikabok na agad nitong kwarto ko, hindi na rin kasi ako nagkakaroon ng time para magpa-service cleaning. Umiyak pa ako eh ako naman yung may kasalanan. Bat ba kasi konting bagay lang hindi ko na agad mapigilan ang sarili ko. At least magpakita manlang ako ng pagkalalaking side. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Ang hirap maging bakla, ang hirap pakisamaha

