Kash's POV Nang makaalis si Jhing sa loob ng opisina ay dahan-dahan kong kinuha iyong papel mula sa basurahan, binuksan ko ito muli. Dating hospital. Why? Hindi ko alam kung anong gustong iparating ni Kylan. Bakit bigla nalang siyang nagresign? Bakit binigyan niya ako ng ganitong sulat? Napakagat ako sa labi ko at frustrated na napahilamos sa mukha ang aking kamay. Hihintayin niya ako, huh? Isang buwan ang lumipas at Marso na. Napakabilis ng panahon at hindi ko magawang sundin ang sinabi ni Kylan sa sulat. Hindi ako pumunta sa dating ospital, hindi ko nagawang dalhin ang sarili kong mga paa dahil wala akong lakas ng loob. Wala akong lakas ng loob na harapin ang nararamdaman sa akin ni Kylan. Kahit alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin siya. Sumikip ang dibdib ko at naalal

