Kash's POV "Good morning po Doc. Kash!" Bati sakin ng isang nurse nang makasalubong ko ito habang naglalakad, tumango lang ako sakanya. "Ano kayang meron kay Doc? Parang nagiba." Narinig kong bulong nito. "Oo nga! Bakit nga ba biglang nag-iba si Doc. Kash?" Napalingon nalang ako nang marinig ang boses ni Evan, nasa likod ko siya't sumusunod sakin. "Wag mo naman akong biglain." Sabi ko rito at pumasok na sa elevator, sumabay naman sakin si Evan sa pagpasok rito. "Bakit parang bad mood ka ata ngayong nakaraang araw? Ano nang nangyari sa 'mabait' na si Doc. Kash?" Tinignan ko nalang siya ng masama, "please wag mo na dagdagan ang problema ko please." Sabi ko rito at tumawa siya. Umandar na paitaas ang elevator na sinasakyan namin. "Doc. Evan.. pwede ba tayong lumabas mamaya?" I asked.

