Kash's POV "Kash, sigurado ka ba?" tanong ni Kylan ng paulit-ulit at nagsisimula nang marindi ang mga tenga ko. "Kelangan ko pa ba mag unli?" inis na tanong ko sakanya. "Pero Kash.. bakit bigla ka atang bumait?" tanong niya sakin. "So kelangan bang magkaroon ng dahilan ang lahat?" balik na tanong ko. "Ka naman eh! Hindi mo naman sinasagot yung mga tanong ko, sumasagot ka nga pero tanong rin yung sinasagot mo!" Sabi niya na tila naguguluhan. "Bahala ka, kung ayaw mo edi wag." Sabi ko sakanya't tumalikod na tsaka nagkumot. Narinig ko ang pagsampa niya sa kama, "sabi ko na nga ba't mabait ka talaga Ka, alam kong hindi mo matitiis ang kaibigan mo." Humiga na rin siya tsaka nagkumot din ng kinukumot ko ngayon. "Pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla ka nalang bumait, simula nung u

