Kabanata 5

1243 Words
Mula noong unang beses kong nakaharap ang pamilya Madriaga sa hapag, iba na ang pakiramdam ko tuwing nasa loob ako ng mansyon. Para bang mas bumigat ang hangin at mas ramdam ko ang bawat hakbang. Hindi ko man gustong aminin pero alam kong may mga matang nakasunod sa akin. Hindi lahat. Pero isa ang pinakamatindi. Si Mrs. Celeste Madriaga. Wala man siyang direktang sinasabi pero ramdam ko kung paano siya tumingin. Mahinay ang bawat kilos, pero ang mga mata niya, parang naghahanap ng sagot na ayaw niyang tanggapin. Kapag dumadaan ako dala ang tray, kapag nakayuko akong nag-aayos ng mga halaman, kapag nakikipagkuwentuhan ako kay Ma'am Sofia sa veranda—lagi ko siyang nasusulyapan. At sa bawat titig na 'yon, pakiramdam ko, parang ako mismo ang mali sa paningin niya. “Don’t mind Mama,” bulong ni Ma'am Sofia isang hapon habang nakahiga kami sa gazebo. Naka-sundress siya, at ang buhok nakapusod nang magulo. Parang walang pakialam sa mundo. Ako naman ay tahimik na nagdo-drawing lang sa tabi niya. “She has that look all the time,” dagdag niya na may tawang kasama. “Even I get it. You’ll get used to it.” Ngumiti na lang ako, kahit hindi ko alam kung totoo ba o pampalubag-loob lang. “Ang hirap po hindi pansinin,” aminado kong sagot. “Parang… kahit wala akong sinasabi, alam niya lahat ng iniisip ko.” Tumawa siya na parang wala lang. “That’s just her face, Aya. Don’t let it bother you. Besides, she’ll come around. Eventually.” Hindi ko alam kung totoo ’yon. Pero ang totoo, mas lalo akong nag-iingat. Dumaan ang mga araw ng summer na halos magkakahawig. Minsan nasa hardin ako kasama si Tatay, tumutulong magdilig o maglipat ng paso. Minsan naman, nasa laundry ako kay Nanay, inaabot ang pinipiga niyang damit. Pero mas madalas, hinahanap ako ni Ma’am Sofia. Gusto niya ng kasama sa pagbabasa, sa pagpipinta, o kahit sa simpleng pag-upo lang sa veranda. Parang ayaw niyang mag-isa. At doon nagsimula ang picnic sa garden. “Bring your sketchpad,” yaya niya noon habang excited na pinahahanda kay Manang Belen ang basket na may prutas at juice. “We’ll sit by the koi pond. You can draw, I’ll read. It will be perfect.” At hindi ko siya kayang tanggihan. Kaya heto ako, nakaupo sa kumot na nakalatag sa damuhan. Hawak ko ang lapis, binabalangkas sa papel ang hugis ng koi pond habang pinagmamasdan ang kislap ng tubig. Tahimik at presko ang hangin sa ilalim ng mga puno. “Kuya!” tawag bigla ni Sofia, kumakaway sa gilid ng pathway. “Come join us!” Napalingon ako. At agad kumabog ang dibdib ko. Si Sir Zed. May hawak siyang folder na puno ng papeles, naka-grey polo at dark jeans. Mukhang may pupuntahang importante. Tumingin siya saglit, parang nag-aalangan kung lalapit o hindi. “I’m busy, Sofia,” malamig niyang sagot. “Just for a while! Aya’s here,” dagdag pa ni Sofia, walang pakialam sa tono ng kuya niya. At doon siya tumingin sa akin. Saglit lang. Pero imbes na malamig, may dumaan na kung ano sa mga mata niya. Parang bahagyang lumambot ang linya ng noo niya. Mabilis akong napayuko, pilit nag-abala sa sketchpad. Ramdam ko ang pamumula ng tenga ko, nanigas ang kamay kong nakahawak sa lapis. Pag-angat ko ulit ng tingin, naglakad na siya papalapit. Umupo siya sa gilid ng kumot—hindi kampante, hindi rin nakahiga tulad ni Sofia. Diretso ang likod, seryoso, pero tumabi malapit sa'kin. Dahilan para matitigan ko siya ng malapitan, sobrang tangos pala ng ilong niya... at sapat na ’yon para gumulo ang loob ko. “Look at Aya’s drawing,” ani Ma'am Sofia, mabilis na inabot ang sketchpad ko bago ko pa mapigilan. “She makes the garden look alive. Don’t you think?” “Ma’am Sofia…” halos bulong ko pero huli na. Nasa mga kamay na ni Sir Zed ang sketchpad. Tahimik siyang tumingin, pinasadahan ng mata ang bawat linya. Hindi siya nagmamadali. Parang pinag-aaralan talaga. “You notice things most people don’t,” wika niya pagkatapos ng ilang sandali. Walang ngiti, walang dagdag na salita. “You draw well. Why not pursue Fine Arts instead?” Lumingon siya sa'kin. Saktong nagtagpo ang mga mata namin. Parang biglang sumikip ang dibdib ko. Gusto kong bawiin ang sketchpad, pero bahagya akong umiwas ng tingin. “Ah… thank you, sir. Pero hobby lang po ito. Pang-aliw lang. Hindi naman po ito future. Mas kailangan ko pong tumulong kina Nanay at Tatay kaysa mangarap ng malalaki.” Ilang sandali siyang hindi nagsalita. Ramdam ko pa rin ang titig niya bago 'yon ibinalik sa papel. Pagkatapos ay nagsalita muli, mababa ang tono, mas banayad kaysa kanina na parang hindi sinasadya. “Dreams don’t have to be loud to be real. Even the smallest detail can change the whole picture. Don’t forget that, Aya.” Parang may kung ano na naman gustong magpumilit sa dibdib ko. Ang simpleng salita niya, tumama nang mas malalim kaysa sa dapat. Ramdam ko ang init sa pisngi ko kaya lalo akong yumuko. “Kuya,” singit bigla ni Ma'am Sofia, nakangisi habang nakatingin sa akin. “Did you just compliment Aya? That’s rare.” Nanlaki ang mata ko at halos mabitawan ang lapis. “Hindi po… exaggeration lang ni Ma’am Sofia,” bulong ko, halos pautal. “And what if I did?” balik tanong ni Sir Zed. Mariin akong tinitigan. Na alam kong lalo lang nagpapula sa'kin. Si Ma'am Sofia natawa na lang bago nagpatuloy sa pagbabasa ng libro. Tahimik na nagpatuloy ang hapon. Binuklat ni Zed ang folder niya, may sinusulat, may binabasa. Paminsan-minsan, tumitingin sa paligid ng garden, o kaya’y sumisilip sa ginagawa namin. At doon ko napansin. Kapag nandiyan siya, nag-iiba ang mundo. Hindi ko masabi kung paano. Parang mas lumiit ang paligid—parang lahat ng tunog, lahat ng galaw, lumalabo kapag siya ang nasa tabi. Ang naririnig ko lang ay t***k ng puso ko. Hindi ko pa kayang bigyan ng pangalan. Hindi ko pa kayang ipaliwanag. Pero alam kong kakaiba. Para bang sa bawat tingin at bawat salita niya, may binabago sa'kin. Kinagabihan, nakaupo ako sa kama. Binabalikan ko ang sketchpad. Naroon pa rin ang guhit ng koi pond, ng mga halaman, ng tubig na kumikislap. Pero mas malinaw sa isip ko ang sinabi niya. Dreams don’t have to be loud to be real. Even the smallest detail can change the whole picture. Bakit gano’n? Bakit parang espesyal sa pandinig ko, kahit simple lang? Napabuntong-hininga ako, itinago ang sketchpad sa ilalim ng unan. Pero sa gilid ng isip ko, naroon pa rin ang mga mata ni Mrs. Madriaga. Hindi na matalim, pero mapagmatyag pa rin. Parabg kayang tumapos ng kahit anong pag-asa. Parang bantay na hindi natutulog. At naisip ko na baka mali. Baka mali na natutuwa ako sa mga simpleng bagay tungkol kay Ma'am Sofia at Sir Zed. Baka mali na may kung anong nabubuo sa dibdib ko tuwing siya ang nasa paligid. Kung makita iyon ni Ma’am Celeste, baka lalo niya akong itakwil sa loob ng bahay na ito. Pero kahit anong pilit kong iwaksi, kahit gaano ko katakutan si Ma'am Celeste, hindi ko maitatanggi sa sarili ko— Na sa unang pagkakataon, may nararamdaman akong bago. Hindi pa ako marunong umibig. Pero marunong akong gumuhit ng mga bagay na nakikita ko. At sa bawat linya ng sketchpad ko, kahit hindi ko aminin, unti-unting nasusulat din ang sikreto ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD