AgriTerra Solutions was a modern company. Glass walls that reflected fluorescent light, printers humming steadily, keyboards clacking in quick rhythms. Lahat ng bagay parang may sariling orasan na mas mabilis kaysa sa akin—deadlines araw-araw, at ang meetings halos gabi-gabi. Sa simula, nahirapan akong sumabay. Manila moved differently. Walang oras para huminga, walang espasyo para tumigil. Kahit ang hinga mo, parang kailangan mong i-schedule. Pero unti-unti, natuto rin akong sumunod sa agos. Emails. Soil reports. Data analysis. May pattern pala sa lahat ng ito, parang daloy ng tubig sa irigasyon... mabilis pero kung susundan mo nang maayos, kakayanin. Isang linya ng pH readings dito, isang column ng moisture content doon, graphs na kailangang ipaliwanag nang malinaw, hindi malabo.

