Chapter 19. Saddest Reality

4186 Words
Na sa terrace kami ngayon ni Nazario dahil hinatid namin sa gate sina Randel at Elena. Maya-maya. "Ferreira, I was very impressed with your professionalism," nakangiting sinabi sa 'kin ni Nazario. "Thank you," I answered. Is it professionalism? Para sa 'kin ay hindi. Maybe it was simply my confidence that impressed him. Hindi ko naman kasi magagawang magsabi ng idea kanina kung wala kong tiwala sa sarili at lakas ng loob. Ang pagiging professional sa isang gawain o posisyon ay mahalaga, syempre sanay ka na dahil 'yon talaga ang pinaghirapan mo bago maabot 'yong bagay na 'yon. Pero para sa 'kin, mas mahalaga ang pagiging confident dahil mas binibigyan ka nito ng kakayahan na i-express ang 'yong sarili sa paraan na ikaw mismo ang nakagagawa. Siguro't nga't may mga taong maituturing na professional pero kung wala silang confident sa sarili ay mahihirapan pa rin sila na gawin at ibahagi sa iba 'yong nalalaman nila. Una sa lahat, sanay lang sila sa isang gawain, ang tanong ay kung kaya ba nilang ibahagi sa iba 'yong kaalaman nila? That's the point. So back to reality, pabalik na kami sa loob, madilim na rin kasi kaya naisip namin na pumasok. Nagulat ako dahil sumalubong sa 'min sina Señora Elizabeth at Señor Eduardo. "Sensational! Pinabilib mo 'ko sa mga ideya mo, Ferreira." pumapalakpak na sambit ni Señora. "Keep up the good work, Ferreira," dagdag pa nito sa 'kin sabay yakap. Siguro ay napanood nila kami kanina. "I knew you could do it. Hindi kami nagkamali sa pagpili sa 'yo," usal ni ni Señor Eduardo. Nakaramdam tuloy ako ng kaba na baka lalong tumaas ang expectation nila sa 'kin. Huwag naman sana umabot sa puntong ikadidismaya agad nila sa oras na magkaroon o makitaan nila 'ko ng pagkakamali. "Thank you," nakangiti kong sagot. "And to you hijo, I am also proud of you." sabay yakap kay Nazario ni Señora Elizabeth, tinapik naman ito ni Señor Eduardo. Nagpaalam ako sa kanila at sinabing magpapahinga na muna ko at 'di muna kakain dahil busog pa 'ko, kaya naman umakyat na 'ko sa itass at dumiretso sa 'king kwarto. Kasalukuyan akong nakaupo sa 'king kama nang pumasok bigla si Mama Carol. "Ms. Ferreira, ang galing niyo po kanina. Tuwang-tuwa po sina Señora Elizabeth at Señor Eduardo, kung titingnan kasi ay bihasa ka na sa mga ganong usapin. Ang gaganda rin ng mga sinabi mo tungkol sa tamang pagpapatakbo ng negosyo," bungad sa 'kin ni Mama Carol. "Talaga po? Salamat po Mama Carol. 'Yon po kasi ang natutunan ko sa pag-aaral ng kolehiyo." "Kahit kailan talaga ay napakahusay nating mga Pilipino. Natutuwa ako sa 'yo, napakaswerte ng magulang mo," sambit niya na nagpabago ng aking ekspresyon. Gustuhin ko man na kumustahin si Mama ay wala akong magawa kung hindi tiisin muna ang pagka-miss ko sa kanya. Hindi niya sinasagot ang tawag ko mula pa kagabi, mamaya ay tatawagan ko ulit siya bago ako matulot, saktong oras 'yon ng lunch break niya. "Anak, ayos ka lang ba?" muli niyang tanong kaya naman natauhan na 'ko. "A-ayos lang po ako. Kayo po kumusta na?" pagtatanong ko. "Ayos lang din ako," sambit niya pero bakit parang hindi. "Hindi po ba 'ko hinanap kanina sa inyo no'ng umalis ako?" tanong ko. Bigla naman nagbago ang expression ng kanyang mukha. "Uhmm… h-hindi naman. 'Wag ka mag-alala." bakit ang mga ngiti niya'y parang pilit? Ilang sandali lang ay lumabas na si Mama Carol. Speaking of business, napagdesisyunan namin ni Nazario at ng kasosyo namin sa negosyo, ang pamilyang Espinosa na pagsasamahin ang mga negosyo namin mula sa mga automobile, cosmetics and photoshoot o photograpgy. Sa totoo lang ay 'di ko lubos akalain na magugustuhan nila 'yong idea at suggestion ko. Iyon kasi ang naisip ko kanina. Mainam na paraan ay kung susukatin namin 'yong bagay na makakapag-kumbinsi sa mga customer na tangkilikin ang produkto namin. Hindi pwedeng mag-focus kami agad sa pag-produce ng mga automobile, camera o mga products. Kailangan muna namin ng source, data gathering at clarification sa mga simpleng resources hanggang sa mabibigat na detalye bago mag-implement ng product na ip-produce. Higit sa lahat ay ang objectives namin o ang goal na dapat maabot. Sa isang negosyo, ang kumita ng pera ay isa lang sa mga goal ng bawat isa, hindi uunlad ang negosyo kung pera ang laging ira-rason. Kailangan din masukat 'yong mga bagay na magpapasaya at magbibigay ng pangangalaingan sa mga tao. Sa gano'ng paraan ay mas madaling mapauunlad ang negosyo kaya mas mapatataas din ang rango ng kompanya. 'Yon ang natutunan ko sa pag-aaral ng kolehiyo. So nasa plano namin na magp-produce ng mga automobile na mas kakaiba kumpara sa iba. Gagawin nila 'kong model ng car show. Actually, ayoko talaga pero hindi na 'ko nagreklamo dahil late akong dumating kanina. Going back to reality, kasalukuyan akong nag-iisip tungkol sa mga nangyayari sa 'kin ngayon. Ang tungkol sa 'min ni Alford ngayong, ang meeting kanina at higit sa lahat ay ang pagka-miss ko kay Mama. Sinubukan kong tawagan ulit si Mama pero bakit ganon? Hindi ko na siya ma-contact at mukhang nag-iba na siya ng number. Pero bakit? Gustuhin ko man na magtanong kay Señora Elizabeth ay nakakaramdam ako ng hiya na baka makaistorbo ako, pero 'di bale bukas ay kakausapin ko sila ni Señor tungkol dito. Nag-aala na kasi ako kay Mama at baka napano na siya. Sana ayos lang siya. Hindi ko namalayan ang oras, alas siete na pala ng gabi. Sa pagkakataong ito ay muli kong kinuha ang notebook na bigay ni Mama sa 'kin at nagsimula na 'kong isulat ang mga nangyari ngayong araw mula kaninang umaga hanggang ngayong gabi. Alford Point of View Gabi nang ako'y makarating sa palasyo namin. Pagpasok ko sa gate ay bumungad si Mishka. "Hermanoo…" "Me alegra que estés aquí. Vienen esta noche." (I'm glad you're here. They're coming tonight.) "Te he estado llamando y mandando mensajes," (I've been calling you and texting you.) sunod-sunod na sambit ni Mishka. "No se preocupe. Estoy preparado." (Don't worry. I'm prepared.) I said. Dumiretso na 'ko sa loob ng palasyo at aktong aakyat na 'ko nang bigla kong nasalubong si Mama. "Alford, ¿dónde has estado todo el día? Te hemos estado esperando. No contestabas mi llamada, (Alford, Where have you been all day? We've been waiting for you.) "Estuve llamándote durante la última hora. No contestabas mi llamada." (I've been calling you for the last hour. You didn't answer my call.) paulit-ulit niyang sermon. "Tienes que prepararte para una reunión de negocios esta noche." (You have to prepare yourself for a business meeting tonight.) tanong ni Mama. "Okay." Walang gana kong sagot. Agad na 'kong umakyat sa taas at nagpalit pagkatapos ay nag-ayos na rin ako. Paglipas ng ilang minuto ay napagdesisyunan ko na bumaba. Dumiretso ako rito sa mini conference room namin dito sa palasyo kasama si Mishka at saka umupo. Maya-maya lang ay dumating na rin ang hinihintay namin. Habang naglalakad si Daniela kasama si Romelio na kanyang kapatid ay titig na titig ito sa 'kin. Nang mapatingin ako sa kanya ay bigla niya 'kong nginitian kaya naman agad akong umiwas ng tingin. "Buenas noches. Estamos aquí esta noche para expresar nuestras preocupaciones con respecto a nuestro negocio," (Good evening. We are here this evening to express our concerns regarding our business corporation,) Daniela said. "Esperamos una relación continua con su empresa que nos permita continuar y ampliar los servicios," (We look forward to a continued relationship with your company that will allow us to continue and expand the services,) Romelio added. "Estamos encantados de escuchar eso. Así que ahora nos gustaría escuchar sus pensamientos y sugerencias," (We're glad to hear that. So now we would like to hear your thoughts and suggestions,) Mishka said. "Creo que tenemos que empezar para un nuevo restaurante y tienda tradicional. Debemos construir y encontrar una ubicación ideal que se adapte a una imagen o estilo particular.. Tenemos que pensar en nuestros clientes y lo cerca que están de nuestra ubicación. Entonces, ¿qué te parece?" (I think we need to start up for a new restaurant and traditional store. We must build and find an ideal location that fits a particular image or style.. We need to think about our customers and how close they are to our location. So what do you think?) Daniela said. "Estoy de acuerdo. Pero si quieres, también podemos añadir promociones y ofertas especiales. Bueno, somos conscientes de que las promociones son las ofertas atractivas que las empresas ofrecen a sus clientes sólo por un corto tiempo. Debemos repetir nuestras promociones y sólo podemos hacerlo una vez que sepan qué promociones han sido las más productivas para ellos," (I agree. But if you want, we can also add promotions and special offers. Well, we are aware that promotions are the attractive offers that companies offer to their clients only for a short time. We must repeat our promotions and we can only do so once they know which promotions have been the most productive for them,) I said. "Nuestra empresa a menudo tiene que agregar y combinar nuestros productos para llevar a cabo una promoción. De esta manera, podemos difundir fácilmente nuestra promoción al público a través de una variedad de métodos de publicidad y marketing," (Our company often has to aggregate and combine our products to carry out a promotion. This way, we can easily spread our promotion to the public through a variety of advertising and marketing methods,) I said. "Apoyo tu idea, pero si realmente queremos construir un nuevo restaurante y una tienda tradicional, por qué no empezamos por encontrar la mejor ubicación, como he dicho antes," (I support your idea, but if we truly want to build a new restaurant and a traditional store, why don't we start by finding the best location, as I said earlier,) Daniela suggested. Isang oras pa ang nakalipas bago tuluyang natapos. Hinatid na namin sila sa gate. "Gracias por esta noche. No puedo esperar para conocer a ustedes dos y a su encantadora familia," (Thank you for this evening. I cannot wait to meet the two of you and your lovely family,) Romelio said with a smile on his face. Nginitian ako ni Daniela bago siya tumalikod. I don't know why but I don't like her presence. I may hate to admit it, but there are just some people I just don't like all that much, and that's her… Daniela. Kahit pa may utang na loob ako sa kanila noon, hindi ko naman mapipilit ang sarili ko na gustuhin ang tulad niya. Dumiretso na 'ko sa loob, aktong aakyat na 'ko para dumiretso sa kwarto pero bigla akong tinawag ni Mama. "Alfiord, ¿se puede cenar con nosotros? (Alford, Can you join us for dinner?) "Sure," matipid kong sagot. Ilang linggo ko na rin silang hindi gaano nakakasabayan sa pagkain ng dinner. Maybe I need to spend time with them, kahit ngayon man lang o sa ganitong paraan ay maramdaman nila ang presensya ko. "I'm sorry for my words and actions last time. I must admit, I am so numb for saying those words to you. But it's not just for me, it is for our family's future," Mama said. Hindi na lang ako kumibo at baka saan na naman mapunta ang usapan. I know her, magaling mag-sorry, nababalewala lang din naman. As far as I know, being sorry but not being sincere is useless. It will only make her do the same mistakes over and over again. And I know her, madali para kanya ang humingi ng sorry, dahil madali rin para sa kanya ang magbitaw ng mga salitang nakakasakit nmsa damdamin. People who are sorry for their wrong actions will never make any excuses or cover up for what they did. Instead, they will admit their mistake and will humble themselves. That's the right thing to do. Pero hindi ganon si Mama. Pagkatapos kumain ay nag-usap pa kaming buong pamilya ng umabot lang ng ilang minuto, nagustuhan naman nila Mama at Papa ang mga naging plano namin sa negosyo ni Mishka kasama ang pamilyang Espinosa. Buti na lang nakita nila ang daloy ng usapin kanina, sa ganoong paraan ay napatunayan ko na kahit madalas akong nasa labas ng palasyo ay 'di pa rin ako nakalilimot sa mga responsibilidad ko rito sa loob ng palasyo. Kahit pa sapilitan, ito rin naman ang kinalakihang kong pamilya. Ilang sandali pa ay naisipan ko ng umakyat para dumiretso sa kwarto. Matapos kong mag-half bath ay nagpalit na 'ko ng damit at saka humilata sa kama ko. Kahit pa ganito ang sitwasyon sa bahay, hindi ko maitatanggi ang saya na dinudulot sa 'kin ni Ferreira. Pakiramdam ko tuloy ay 'di makukumpleto ang araw ko na wala siya. Oras na para matulog. Ferreira Point of View Hanggang ngayon ay gising na gising ang diwa ko, habang nakahiga ako ay 'di pa rin nawawaglit sa isip ko ang mga nangyari ngayong araw. Napakaraming naganap at sa bawat araw na magdaraan, pakiramdam ko ay mas lalo pa 'kong dapat na maging handa sa mga mangyayari. Tama nga ang nasa isip ko, isang malaking responsibilidad ang hawak ko ngayon dito sa palasyo na kailangan kong pagtuunan ng pansin. Pero hindi naman siguro makasasagabal kung patuloy akong makikipagkita kay Alford, 'di ba? Buti na lang ay 'di siya representative gaya ko, dahil kung pareho kami ng sitwasyon, sigurado akong magiging abala siya at kalauna'y mawawalan ng oras sa 'kin, pero… Bakit ako? Bakit ang tulad ko na may malaking responsibilidad at sitwasyon ay nagagawa pa rin na maglaan ng oras sa kanya? Sa taong hindi ko pa lubos kilala? Aminado ako na hindi ko pa gaano kakilala si Alford, pero bakit sa tuwing magkasama kami ay para bang matagal ko na siyang kilala. Sa tuwing tititigan ko siya ay para bang familiar ang itsura niya. Hindi ko alam kung coincidence ba 'yong pagkikita namin at pagsagip niya sa 'kin sa muntikang pagkakabunggo ng sasakyan. Gano'n na gano'n ang panaginip namin pareho, 'yon nga lang ay hindi niya alam na gano'n din ang panaginip ko bago pa man mangyari 'yon. Hindi ko alam kung coincidence din ba na sa tuwing yakap ko siya ay para bang nararamdaman ko 'yong yakap sa 'kin ni blur man sa panaginip ko. Hindi ko tuloy alam kung ilusyon ko lang o baka naman totoo. Sa kalagitnaan na malalim kong pag-iisip sa mga bagay bagay ay nakaramdam din ko ng antok ngunit bigla na lamang bumukas ang pinto kaya naman napabangon ako agad. "Mama Carol, kayo po pala," sambit ko. "Hindi naman sa nangingialam ako anak pero narinig ko kasi na kausap ni Señora ang Mamã mo at narinig ko lahat ng sinabi ni Señora," sambit ni Mama Carol na nagpawala ng antok ko. "Talaga po? Pwede ko po bang malaman kung anong mga pinag-usapan nila?" kuryosidad kong tanong. "Mas mabuti siguro kung ikaw mismo ang magtatanong kay Señora, anak. Nasa mini room si Señora at nagpapahinga sandali, pumunta ka roon sa first floor sa pinakadulong kwarto ay naroon aiya." bakit parang may lungkot sa mukha ni Mama Carol habang sinasabi niya 'yon. Hindi na 'ko nagdalawang isip at dali-daling bumaba ng kama. "Salamat po Mama Carol." nginitian ko ito bago ako nag-ayos sandali at lumabas sa 'king kwarto. Buti na lang at nandiyan si Mama Carol, maraming salamat talaga sa kanya. Curious ako kung anong pinag-usapan ni Señora at Mama. Pagkarating sa 1st floor ay dali-dali akong naglakad patungo sa pinakadulong kwarto. Finally! Kumatok muna 'ko bago pumasok at tama mga si Mama Carol dahil nandito si Señora. Gulat siyang napatingin sa 'kin. Bigla kong naalala ang dahilan ng pagpunta ko rito ay para itanong kung kumusta si Mama tutal nag-usap sila kanina. At kung bakit hindi sinasagot ni Mama ang mga tawag ko. Napasimangot tuloy ako ng wala sa oras. "Ferreira? Why are you here? Is there anything I could help you with?" her voice came out with a tremble. But obviously, her smile was forced. "I came to ask you about my mother. Would you tell me how is she? I was worried about her. I've called her several times on her cellphone, but she didn't pick up. She didn't even bother to call me back. Kagabi pa po gano'n kaya nag-aalala na 'ko." I was trying hard to stay calm, dalawang araw ko ng gustong itanong ang mga 'yon. Tumango naman siya sa 'kin. "Would you please have a seat and I'll be right back?" she stood and waited for me to be seated before she left the room. After a few minutes Finally, Señora walked to where I was seated. May dala siyang baso na may tubig. "Drink." inabot niya ito sa 'kin kaya naman ininom ko na ito. "So what is your question again?" she asked. "Did you talk to my mom today?" I asked. "Yes, I called her a while ago." totoo nga. Hindi ko man lang alam. "Señora… W-why didn't you tell me?" pagtataka kong itinanong. "How is she? Would you call her for me?" dagdag ko pa. "Okay fine, I'll tell you now. I called her a while ago and… we decided for you both to stop communicating. Don't worry it's just temporary." The hell? Seryoso ba 'yon? How could I ever do that? "Y-you mean… we will stop talking? But for what reason?" nakakunot noo kong tanong. "It's for your future, Ferreira. Just do it, will you? Magtiwala ka lang sa 'kin." akala niya ba madali 'yon? Sila kaya ng anak niya pigilan ko mag-usap anong mararamdaman niya? "Señora… I can manage our business so let me talk to my mom. Hindi naman po ata normal na dahil sa negosyo mawawalan kami ng communication ni Mama," tugon ko na nakasimangot. Umiling siya sa harap ko. Nakakainis naman! "I have met a lot of people and eventually realized that they can't grow a business until they have a focused vision on their responsibilities. Meaning to say, kailangan mo mag-focus kung anong role mo ngayon at kung na saan ka," sambit niya na para bang kontrolado lang ako sa palasyong ito. "It depends on the person, Señora. And I'm not the person you used to know." now I know. Gano'n pala ang tingin niya sa 'kin. 'You know what? You're intelligent as well, well-formed and you have the looks to make any man fall in love. But your intelligence is nonsense if you don't know how to follow the rules," giit niya. "Ferreira, didn't you read the rules and regulations? Or you all hate these rules?" dagdag pa niya. Aminado akong hindi ko binasa lahat ng rules pero… "I don't hate rules, Señora. I just use my judgment when it comes to which ones I'm going to follow, and if there is a rule for example that is going to be hard for me, I will probably not follow it. Sinusunod ko lang po kung anong tingin ko ay tama," diretsuhan kong sinabi. "If you disobey the rules, you will suffer the consequences. It might ruin our company's reputation. You should accept your responsibility as a representative in this palace and you must be overwhelmed by this," sambit niya na siyang nagpakirot sa 'king dibdib. Bakit kailangan umabot sa ganito? Para akong nanlumo sa mga sinabi niya. Hindi ko akalaing aabot sa ganitong punto na pati sarili kong Ina ay hindi ko maaring kausapin. Kahit pa sabihing pansamantala lang ay napakahirap non para sa 'kin. Pero gaya ng sabi niya, 'yon ang tama. "B-but-" "I'm sorry Ferreira, but that's the right thing to do. Don't worry, even though the rules we made were quite harsh, the truth is inside the information and agreement, everything is going to be worth it. So, if you care for your mother, then choose what is right." napabuntong hininga na lang ako sa mga sinabi niya. "Señora, it's hard for me to do that. How will I know if my mom is doing well without even talking or asking how is she? " seriously, nakakapanghina. "We'll take care of her, don't worry." She smiled, but she faked it. I just nodded. Hindi ako makapaniwala na kasama 'yon sa mga rules. Kung alam ko lang sana noong una pa lang ay pinili ko na sa Pilipinas manirahan. Hindi ko kasi binasa lahat ng rules and regulations noong nasa hotel kami dahil sa unang bahagi ng pagbabasa no"n ay napaka-common ng mga detalte, 'yon pala ay hindi. Nagpaalam na 'ko kay Señora at pinaalalahanan niya 'ko tungkol sa photoshoot ko bukas at sa meeting. Hanggang sa lumabas na ko sa mini office ni Señora. Dumiretso na 'ko sa 'king kwarto. Jusmiyo, wala akong magawa. Naluluha ako jusmiyo! No! No! I hate crying. Wala 'yon, nako! Simula noong araw na tumapak ako rito sa bansang Spain ay nagawa ko na kahit wala si Mama. Simula pa man noong araw na pumayag akong sumama rito ay natanggap ko na kailangan ko talaga mag-isa. This time, I need to stand all alone by myself. Totoo nga 'yong natutunan ko. You should never depend on anyone but yourself. Dahil kahit ang sarili mong magulang ay mawawalay sa 'yo sa panahong 'di mo inaasahan. It would be several minutes bago ako makatulog, napakaraming tanong sa 'king isip. I badly need someone right now, Alford where are you? Ikaw na lang ang pwede kong lapitan sa mga ganitong sitwasyon na wala si Mama at wala si Yvonne. Bigla kong naalala na may photoshoot pala 'ko bukas kaya kailangan ko na magpahinga. Sana ay magkita kami ni Alford bukas kahit ilang oras lang. Ilang minuto ang lumipas, sa wakas ay dinalaw na 'ko ng antok. *** Naglalakad ako sa tabing dagat, sa bawat pag-alon nito ay ramdam ko ang preskong hangin na nagmumula sa mga puno't halaman na nakapaligid sa lugar na ito. Maging ang mga naggagandahang bulaklak na siyang nagpapatingkad sa buong kapaligiran ay nakakakalma. Kung titingnan ay parang napakaperpektong lugar. Sa aking paglalakad ay may isang lalaki akong nakasalubong. "Binibini… sa wakas ay muli kitang nasilayan," bungad niya sa 'kin na may ngiti sa labi. Hindi agad ako nakapagsalita. Maya-maya ay bigla na lamang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Kanina lang ay natutuwa siya na makita ako, ngayon ay bakas ang lungkot sa kanyang mukha. "Nalulungkot ako sapagkat magiging abala na tayo pareho sa mga gawain at tungkulin. Ang dating mahabang oras na inilalaan natin araw-araw ay tuluyan ng magbabago sa mga susunod na araw." "Ngunit 'wag kang mabahala dahil kahit 'di mo 'ko makita ay sa 'yo lamang ako nakatingin palagi," sunod-sunod niyang sinabi. Sa pagkakataong ito ay bigla kaming nagkatitigan, tanging pintig lang ng puso ko ang aking naririnig. "Hindi kita maintindihan, anong nais mong iparating?" pagtataka ko. "Paumanhin kung 'di ko magawang sabihin ang tunay na rason ngunit may mga bagay na hindi na dapat malaman para isa na lamang ang masaktan at mahirapan," seryoso niyang sinabi na nakadagdag gulo sa aking isip. "Nagkakamali ka. Ang katotohanan ay dapat ko pa rin na malaman, mas nanaisin ko pa na masaktan kaysa maging bulag sa katotohanan. Kaya kung maaari ay sabihin mo sa 'kin ng direkta ang ibig mong iparating," tugon ko sa harap niya. "May mga bagay na hindi na dapat malaman dahil may malalim na dahilan. Marahil bulag ka sa katotohanan, ngunit iyon lamang ang paraan upang ikaw ay aking maprotektahan." "Huwag ka ng mag-isip pa, lagi mo lamang tatandaan na kahit wala ako sa 'yong paningin ay patuloy kitang pagmamasdan at babantayan." nakangiti niyang sinabi sa 'kin Hindi ko alam ang nais niyang iparating pero bakit bigla na lamang kumirot ang aking dibdib sa kanyang mga sinabi? Gayunpaman ay nagpapasalamat ako dahil sa pamamagitan ng kanyang mga sinabi ay naramdaman kong may taong nariyan para sa 'kin. Hindi ko na alam ang susunod ko pang sasabihin kaya naman tahimik na lang akong sumang-ayon sa kanyang sinabi kahit ang totoo ay nais kong magtanong. "Pagmasdan mo ang bituin. Hindi nakakasawa ang ganda nito, hindi ba?" nakatingala siya habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan. "Tama ka, lalo na kung patuloy lamang ang paghangin sa paligid, ramdam mo ang kapayapaan." nakantanaw ako sa malawak na karagatan. "Alam mo ba ang lugar na aking paborito?… Ito ay ang dilim," seryoso niyang sinabi habang nakatingala pa rin sa kalangitan. "Anong dahilan?" pagtataka ko. "Dahil sa dilim ko lamang nakikita ang mga bituing kumikinang, ngunit kahit ganoon ay napakasarap nitong pagmasdan." "Kagaya mo… tuwing gabi na lamang kung ikaw ay aking masisilayan, gayunpaman ay lubos na 'kong masisiyahan." napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. Ramdam ko ang pagkabog sa 'king dibdib ngunit bakit? Sa pagkakataong ito ay magkatitigan kami habang siya ay nakangiti, walang salita ang lumalabas sa 'king bibig dahil ako ay napapaisip. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya pero bakit napakagaan ng loob ko sa kanya? "Paumanhin, kailangan ko ng umalis. Huwag kang mag-alala… Binibini, palagi lamang akong nakamasid sa 'yo." sambit nito. Niyakap niya ako ng mahigpit bago tuluyang umalis. Naiwan akong nakatayo mag-isa ngunit may nais akong itanong sa kanya. "Ginoo, sandali lamang…" "Sino ka?" "Ano ang 'yong ngalan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD