Chapter 13. C'est ça, l'amour

2855 Words
*** Suot ko ang isang mahabang saya, sakto lamang sa kurba nito sa aking katawan. Nakabibighani ang taglay nitong ganda, kasabay pa ng makikintab na alahas na aking suot gaya ng kwintas at porselas. Naglalakad ako para pumitas ng bulaklak sa may hardin, nang makarinig ako bigla ng kantang napakasarap pakinggan mula sa boses ng isang lalaki. Sinundan ko ang himig nito palabas sa aming tahanan hanggang sa mapahinto ako sa isang bahay na may pintong nakabukas. Dahan-dahan akong sumilip at isang lalaki ang natanaw ko na nagp-piano habang kumakanta. "Halika pumasok ka," sambit niya. Hindi ko akalaing nakita niya 'ko. "Anong pamagat ng iyong kanta?" nasasabik kong tanong habang palapit sa kanya. "C'est ça l'amour," nakangiting sagot nito sa akin. "Ano naman ang kahulugan ng C'est ça l'amour?" pagtataka ko. "Paumanhin ngunit hindi ko rin alam. Inaaral ko muna ang tunay na liriko nito bago ko alamin ang kahulugan ng bawat linya 'pag ito'y isinalin ko na sa wikang Filipino," sagot niya "Saan mo naman natutunan ang kantang iyon?" tanong ko. "Sa aking ama. Nang magtungo siya sa Pransya noong bata siya upang magbakasyon, doon niya natutunan iyan kung kaya't itinuro niya sa 'kin." "Napakahusay mo naman, buti ka pa ay maalam magkabisado ng kanta," tugon ko. "Tama ka, ngunit hindi lahat ay alam ko," sambit nito. Kumuha siya ng papel at panulat pagkatapos ay sinimulan na ang pagsusulat. "Alam mo ba kung anong mabisang paraan para makabisado ang isang kanta?" tanong niya na siyang nakaagaw ng aking atensyon. "Hindi ko alam, maaari ko bang malaman?" Tanong ko habang nakatingin sa kanyang isinusulat. "Pakikinggan mo muna ito, at pagkatapos ay mararamdaman mo kung ang kanta ba ay 'yong napupusuan." patuloy siya sa pagsusulat habang nakangiti. "Sabagay, tama ka. May iilang kanta na mahirap intindihin, pero sa tuwing maririnig ay para bang ayaw mo nang tapusin, hindi ba?" nakangiti kong tanong. "Sang-ayon ako, dahil ang mahalaga ay ang nararamdaman mo. Hindi mo naman ito kakabisaduhin, kung hindi mo ito gusto. Kadalasan ay mas nanaisin mo pa na ito'y pakinggan kahit hindi mo ito maintindihan." sa pagkakataong ito ay nakatitig siya sa mga mata ko. "Kagaya ng kantang iyong sinabi na ang pamagat ay C'est ça l'amour. Hindi ko alam ang nais iparating ng kanta na iyan ngunit nang marinig ko ay labis ko itong nagustuhan," paliwanag ko. "Kaya pala ikaw ay naparito. Ngunit maari bang malaman kung ang kanta nga ba ang 'yong gusto, hindi ako?" tanong niya na ikinagulat ko. "Anong ibig mong sabihin?" gulat kong tanong dahilan para siya ay matawa ngunit segundo lang ang lumipas ay muling naging seryoso ang kanyang reaksyon. "Ang kanta ay kagaya ng nararamdaman ko para sa'yo. Hindi ko man maintindihan ngunit ang mahalaga ika'y aking napupusuan." nakangiti siya sa 'kin habang titig na titig sa 'king mata. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko habang dumadagundong ang aking dibdib. Hindi ko tuloy malaman kung anong sunod kong sasabihin. "Paumanhin binibini, alam kong ikaw ay nagugulumihanan sa 'king sinabi. Kung iyong mamarapatin, maaari ko ba na i-alay sa 'yo ang kantang C'est ça l'amour?" nakangiti niyang pakiusap. Sumang-ayon naman ako kaya agad niya itong kinanta kasabay ng pagp-piano. C'est ça, l'Amour~ L'Amour qui fait chanter la vie~ *** Nagising ako ng eksaktong alas onse ng umaga at biglang napatayo dahil sa panaginip ko. Muli, ang t***k ng puso ko ay 'di maawat sa pagpimtig dahil sa panaginip na 'yon. Kung may tunog lang ang bawat pintig, paniguradong abot ang ingay nito sa baba at kabilang kwarto. So weird. Hindi ko na naman ma-imagine 'yong itsura ng lalaki sa panaginip ko. Nakakainis isipin na palagi na lang malabo ang kabuuan ng mukha niya sa tuwing magigising ako. Bakit ba kasi siya na naman? Bakit si blur man na naman? Tapos pareho pa silang nagp-piano ni Alford? Bakit parang pinaglalapit kami ng tadhana? Totoo nga ba lahat ng ito o coincidence lang? Atsaka anong kanta kaya 'yon? Hindi ko maalala 'yong title nung song sa panaginip ko pero alam ko ang tono. Pilit kong inaalala ang pamagat ng kantang tinugtog ng lalaki sa panaginip ko pero hindi ko magawang isipin kung ano nga ba. Hindi tagalog iyon, doon lamang ako nakasisiguro. Hindi ako agad tumigil, sinusubukan kong alalahanin ang kanta. Na sa dila ko na ito't malapit ko na masundan 'yong tono pero hindi talaga. Parang may pumipigil na maalala ko yung title. In-open ko 'yong phone ko at pagtingin ko, message ni Alford ang bumungad. Alford: 6:30 "Hi Ferreira, goodmorning. Sana maayos ang tulog mo. By the way, I'll be there at exactly 8am. Then 9 tayo aalis, okay? Take care. 7:00 "Ferreira, are you awake? How are you?" 7:20 "Hey, Ferreira? Are you there?" 7:30 "I guess you're tired yesterday. Anyway, thankyou so much, Ferreira." 8:00 "I'll pick you up later at exactly 2pm na lang, okay ba?" 10:05 "Just wait for me later, okay?" Jusmiyo! Bigla kong naalala na sasamahan ko si Alford ngayon sa event, magp-perform siya mamayang 12. Kinakabahan tuloy ako, at nagdadalawang isip kung tutuloy pa 'ko? Parang ang weird na feeling ko ngayon. Alam ko na! Ikukwento ko ang lahat ng ito kay Yvonne at manghihingi ako ng payo mamaya pag-uwi ko. Maya-maya ay nagring ang phone ko, pagtingin ko ay si Mama pala. Sinagot ko ito agad. "Hello Anak, oh kumain ka na ba? Buti gising ka na. Kasama mo na ba si Alford?" tanong nito mula sa kabilang linya. "Kagigising ko lang Ma, pero baka humabol na lang ako roon," sagt ko. "Sana nga maabutan mo pa. Mag-ingat ka, Anak, mag-enjoy ka lang kasama siya. Masaya akong kahit papaano nagagawa mo ngayon 'yong bagay na 'di mo nagagawa noon. Sige na, I love you, Anak." Tuluyan na niyang ibinaba ang tawa. Sa araw-araw na lumilipas ay mas napagtatanto ko kung gaano ako kaswerte kay Mama. Ang mga sakripisyo niya't walang sawang pagmamahal ay hindi matutumbasan ng kahit na sino. Kung minsan ay makakagawa tayo ng mali, mga bagay na mapipilitan tayong itago at piliting ibaon sa nakaraan ngunit hindin'yon ang basehan sa intesnyon ng isang tao. May mga bagay na makikita natin at masasabing mali, ngunit kung aalamin ang rason ay saka natin mauunawaan kung bakit nila nagawa 'yon. Mabilis akong kumilos at naligo. Napahaba ang tulog ko, kaya pati ang appointment ko ngayon ay nakaligtaan ko na. Pagkatapos mag-ayos ay 'di na 'ko kumain, dumiretso na 'ko sa labas at saka nag-grab papuntang SM Villa. Finally! Nasa sm na 'ko ngayon at 'di ko alam kung anong klaseng pwersa ang sumapi sa 'kin dahil sa tuwing naiisip ko na si Alford at Blur man ay iisa, parang lalong bumibilis 'yong t***k ng puso ko. Mas nahihikayat akong kilalanin ng husto si Alford kaya naisipan kong puntahan siya para mapanood ko ito. Hindi ko sinabi sa kanya na pupunta ako, late na rin naman ako kaya mas okay na 'wag magsabi sa kanya. Pakiramdam ko kasi tama ang kutob ko. Mamaya ko na sasabihin kapag tumama nga ako. Habang naglalakad ako paakyat ng third floor, palakas ng palakas ang heartbeat ko. Pag-akyat ko ay agad kong nakita ang malaking tarpaulin na ang nakalagay ay "Exclusice opening event". Maraming tao ang nanonood ngunit kahit hindi ako sanay sa ganitony senaryo ay naglakas loob akong lumapit doon. Maya-maya ay narinig kong may kumakanta kasabay ng piano. Hindi ako nagkakamali. Ang kanta na 'yon…. Ang kanta na 'yon…. Ang kantang naririnig ko ngayon, ay kaparehong tono ng kantang narinig ko sa panaginip ko. Hindi ko man alam ang pamagat, hindi man pareho ang lenggawahe pero alam kong iisa lang ang tono at ang kahulugan nito. Ramdam kong tama ako. So this is love~ So this is what makes life divine~ Habang palapit nang palapit sa mga taong kumpulan, lalo akong hindi mapakali. Ngayon ay natatanaw ko na si Alford na kumakanta habang nagp-piano. Nagpaulit-ulit sa utak ko 'yong mga panaginip ko. Mula sa parehong panaginip namin ni Alford at sa panaginip ko kagabi. Biglang nag-flash back sa utak ko 'yong libro na nabasa ko noong nakaraang araw, na nagsasabing sumpa ang panaginip. Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang luha ko. Sh*t! Ang kirot ng puso ko sa 'di maipaliwang na rason. Bakit ako nasasaktan ngayon? Sa anong dahilan? Bakit ako nagkakaganito? Bakit bigla akong lumuha? Hindi ko alam ang rason. Sino ka ba talaga, Alford? Patuloy kong pinagmamasdan si Alford at habang tumatagal ay mas lalo akong nakakaramdma ng kirot. Alford? Ikaw nga ba si blur man? Hindi ko natiis pa. Dali-dali akong tumakbo papuntang cr dahil ang puso ko ay parang malalaglag na sa sobrang kirot. Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin, 'di ko maiwasang isipin kung anong title ng kanta sa panaginip ko. Sa pagkakatanda ko ay sinabi ni blur man na natutunan niya ang kantang iyon sa ama niya, na natutunan naman nito sa Pransya. Sa madaling salita ay sa France. Tama! French language siguro ang kanta sa panaginip ko. Agad kong sinearch ang kantang "So this is love" sa French version. Laking gulat ko sa aking nakita dahil ang lumabas ay… C'est ça l'amour Muntik ko namg mabitawan ang phone ko dahil sa gulat. Tama ako! Iyon nga ang kantang nabanggit sa panaginip ko. Bigla kong naalala ngayon, iyon nga ang kanta. Sinubukan kong patugtugin ang kantang C'est ça l'amour at pareho nga ang tono nito sa kantang "So this is love". Nagflashback bigla sa 'kin 'yong panaginip ko kagabi at para bang may turnilyong bumabara sa dibdib ko habang pinakikinggan ng maigi ang kanta at inaalala ang panaginip. Ang kantang iyon pala ay ginamit sa Disney Princess na kilala bilang Cinderella pero babae ang orihinal na kumanta. Hindi kasi ako palanood noong bata ako ng mga disney princess o cartoons kaya 'wala 'kong idea. Mas hilig kong manood ng mga teleserya o kwentong nangyari talaga sa kasaysayan. So ibig sabihin, iisa lang ang tinugtog ni Alford at 'yong kinanta ni Blur Man sa panaginip ko. Bakit gano'n? Bakit pareho? Anong ibig sabihin nito? Dali-dali akong lumabas ng cr at nagbabalak na umuwi para sana tawagan muna si Yvonne at sabihin lahat sa kanya. Nang biglang may humila sa braso ko. "Alford?" nagulantang ako nang bumungad siya sa 'kin. "Yes, it's me. Hindi mo sinabi sa 'kin na darating ka, nasundo sana kita." mukha siyang nanghihinayang. "Uhmm… late kasi ako nagising, s-sorry. K-kaya surpise sana gagawin ko ang kaso baligtad ang nangyari." pagsegway ko pa sabay ngiti sa kanya. "It's okay. I appreciate your effort." nakangiti pa rin siya. "Thank you, Ferreira." "You're welcome. So, shall we go now?" "Sure!" Dumiretso kami sa Max at nagsimula nang um-order. Magkatapat kami at hindi magkatabi sa upuan. Habang nag-aantay sa order, palihim ko siyang sinusulyapan. Napakakinis ng mukha niya kung tutuusin ay kasing kinis ng balat ko. Napaka-cool ng itsura niya lalo 'pag seryoso ang expression niya. Hindi tuloy mawala-wala sa isip ang tungkol sa panaginip ko, siguro nga nagkataon lang 'yon. Alford Point of View I don't know what to say. I can't take my eyes off her. I just wanna look at her for the entire meal. Napakagandang nilalang, saan ba siya pinaglihi? 'Di na 'ko magtataka kung bakit andaming napasusulyap sa kanya. Halos lahat na ata maganda sa kanya ang kaso lang… ayaw niya pala na pinag-uusapan ang tungkol sa panaginip. Gusto ko sanang maikwento 'yon pero 'dibale na lang. Why are you so gorgeous? Why are you so gorgeous? Paulit-ulit kong sinasambit sa 'king utak, "Uhmm… Alford?" "Why are you so gorgeous?" Sh*t? Bakit bigla kong nabanggit?! Kahit ako mismo ay nagulat sa sinabi ko. Bigla niya kasi akong tinawag. Ayan tuloy. "What?" pagtataka niya. "Ahh… sorry… may iniisip lang akong title ng movie." pagpapanggap ko. Napatango naman siya. "Uhmm, so sabay tayo bukas?" iniba ko ang usapan para hindi na siyang mapaisip pa. "Yes, p-pero 'wag mo kalimutan 'yong pinag-usapan natin—" 'Di ko na siya pinatapos magsalita pa dahil alam ko na. "Don't worry." nginitian ko iyo tanda ng pag-alala sa naging usapan namin. Nagsimula na kaming kumain Ang saya-saya ko talaga 'pag tinititigan ko siya. Para bang isang anghel sa mundo ng mga tao Nagpatuloy kami sa pagkain at pagkukwentuhan. "So, gagawin kang representative ng Señor at Señora mo sa isang company nila para mag-handle sa mga negosyo nila, am I right?" diretsuhan kong tanong. "Uhmm, yeah. Pero hindi masyado nai-clear sa 'kin ang lahat basta kailangan ko na sumama sa kanila sa Spain bukas," sagot niya. "Oh I see. So hindi mo pa talaga alam kung saang Spain ka pupunta bukas?" tanong ko. "Oo, baka bukas ko pa malaman lahats," sagot niya. Hindi ko pa sinabi sa kanya ang totoo tungkol sa 'kin. Isa rin akong representative sa aming kompanya at maging sa palasyo. Ang Residencia Palace de Madrid Spain ang tahanan na tinutuluyan ko at ng aking pamilya. Si Ferreira kaya? Palasyo rin kaya at tahanan ang tutuluyan niya bukas sa Spain? Kailangan kong malaman bukas kung saang pamilya kabilang si Ferreira. Kung anong company ang ir-represent niya at sino ang mga kasama. Kung ang pamilya ko at pamilya niya ang magiging isa sa pamamalakad ng bawat kompanya, mas magiging malapit kami sa isa't isa dahil magkakasama kami palagi pero… kung ibang pamilya ang kaisa nila sa kompamya ay malaking problema ito. Dahil 'pag nangyari 'yon ay 'di ko siya pwedeng lapitan o kaibiganin. To be honest, napakalaking resposibilidad at panghahawakan ni Ferreira bilang isang representative. Sana'y 'di ako biguin ng tadhana. "Ikaw ba? Bakit pala nandoon ka sa Residencia Palacio de Josefa Cebu?" bigla niyang naitanong na ikinagulat ko. "Uhmm… doon kasi nagtatrabaho 'yong k-kakilala ko k-kaya napadaan din ako ako that time." pagsisinungaling ko. Sh*t! I'm sorry, Ferreira, but I can't tell you now. "Pero 'di ba sa Spain ka nakatira, ano bang reason kung bakit one week ka pa lang dito sa Pilipinas ay naisipan mo nang bumalik sa Spain?" pagtatanong niya. "Uhmm… may mga pinagagawa kasi sa 'kin ang family ko regarding sa negosyo namin na hindi naman kalakihan." pangsegway ko. Ferreira Point of View Kahit kumakain ay patuloy kming nagkukwentuhan. Maya-maya ay um-order ulit ako para naman may pasalubong ako kay Mama. Natapos kaming kumain at nagsabi ako na kailangan ko na munang umuwi, pero ayaw niyang paawat at mas gusto niya pa rin na ihatid ako sa bahay. Habang na sa kotse, hindi ko alam kung bakit sa tuwing pagmamasdan ko ng matagal at maigi si Alford ay nararamdaman ko na matagal na kaming magkakilala. Para bang familiar ang mukha niya. Minsan naiisip ko na baka isang beses na kaming nagkita noon at nalimutan ko lang ngayon. Kung tanungin ko kaya siya about sa mga panaginip, siguro naman ay 'di siya makahahalata. Pero… 'wag na lang muna. Nakarating na 'ko sa bahay at tuluyan nagpaalam kay Alford. Sakto rin dahil kailangan siya ng kaibigan niya ngayon kaya umalis na siya. Pagpasok sa bahay ay agad bumungad si Mama. "Anak, mukhang napapadalas ang lakad niyo ni Alford ah." pang-aasar niya sabay ngiting malisyosa. "Ahh… wala 'yon, Ma. Magkaibigan lang kami." iyon naman ang totoo. Ngumiti naman si Mama at ang ngiti na 'yon ay alam kong nang-aasar. Hindi pa naman ako sanay ma-issue sa lalaki. "Para sa 'yo pala 'to, Ma." sabay abot ng pasalubong na binili ko kanina. Nag-usap kami ni Mama tungkol sa pag-alis ko sa thursday. Ala sinco na pala ng hapon akala ko'y alas tres pa lang. Anim na paper bag ang biglang inabot sa 'kin ni Mama. "Anak, binilhan na kita ng mga damit mo. Alam kong bagay sa 'yo lahat ng 'yan." Pagtingin ko ay napakaraming damit pang-alis at pambahay ang laman ng mga paper bag. Niyakap ko si Mama, sabay abot sa kanya ng pasalubong na binili ko kanina. Nagpatuloy kami sa kwentuhan ni Mama, pinipilit niya 'kong magkwento tungkol sa lakad namin ni Alford pero kaunting detalye lang ang sinabi ko dahil nahihiya ako't 'di sanay ibahagi ang gano'ng klaseng senaryo. Alford Point of View Damn! I can't describe why. Ang magagalitin na tulad ko ay napaaamo ng isang magandang babae na ilang araw ko pa lang nakilala. I was just lying down on my bed at hanggang ngayon ay 'di nawawala sa isip ko ang moments namin ni Ferreira kanina lalo nang magkalapit ang mukha namin. Kahit ilang beses man akong napahiya dahil sa kahibangan ko kakatitig sa kanya, 'di pa rin ako nagsisisi na nagawa ko 'yon It's time to rest and sleep. Mas mabuti pang ipikit ko ang aking mata kasya imulat kung hindi rin siya makikita. Ferreira Point of View Pagsapit ng alas otso ng gabi ay nakaramdam din ako ng antok kaya naman tuluyan nang bumagsak ang dalawa kong mata. Halo-halo man ang mga tanong sa 'king isipan, aminado ako na masaya ako sa tuwing kasama si Alford. Wala akong masabi kundi… Salamat sa 'yo tadhana, muli mo kaming pinagtagpo. Sa paraan man na hindi kapani-paniwala sa paningin iba, ang mahalaga'y nagtama ulit ang landas naming dalawa. Siguro nga'y ito na ang pagkakataon para kilalanin ko siya at palayain ko na ang aking nakaraan. Oras na para matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD