FLASHBACK SEVEN YEARS AGO “Mang Emelio, okay lang po ba na dumaan muna tayo sa Dark Club? May ibibigay lang po ako kay Patrick,” wika niya sa family driver nila. “Sige po, Sir Alex.” Napangiti si Alex. Kinuha niya ang phone niya at nagpadala ng mensahe sa kasintahan na si Sapphire. Dalawang araw na silang hindi nagkikita dahil abala siya sa negosyo ng pamilya. Kailangan niyang galingan para makuha ang posisyon ng kanyang ama. Gusto niyang maging CEO ng Kingstate Inc. Hindi nagtagal ay nakarating siya ng Dark Club. “Mang Emelio, ako na lang po ang papasok.” Hindi na niya hinintay pa na sumagot ang matanda. Lumabas siya ng kotse at tuloy-tuloy papasok sa loob ng club. Kilala na siya doon kaya hindi na siya hinarang ng mga security. Hinanap niya sa bartender area si Patrick. Doon ito l

