“ARIES, ANONG gusto mong flavor ng ice cream?” tanong niya sa pamangkin. Saturday ng araw na iyon at kasama niya ang pamilya na gumala ng mall. She takes an off from work to be with her family. Marami siyang kailangan tapusin na trabaho pero gusto niyang maglaan ng oras sa taong mahal niya. They are everything for her. Pagkatapos ng mga nangyari sa buhay niya ay na realize niya kung gaano kahalaga ang pamilya. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya lang makakasama ang ina kaya naman nais niyang maglaan ng oras para dito. “Chocolate, Tita Anna.” Sagot sa kanya ng pamangkin. Naglakad sila ng pamangkin papuntang ice cream shop. Nasa butika ang ina at ate niya para bumili ng vitamins ng ina. Hindi na sila sumama dahil mababagot lang si Aries. Buguntin pa naman ang pamangkin niya na mahil

