“ANONG SABI NG DOKTOR?” tanong ni Kuya Timothy ng pumasok ito sa kwarto na kinuha niya para sa kasintahan. “She will be alright. Hindi naman daw ganoon kalalim ang tama ng bala niya.” Sagot niya at ibinalik ang tingin kay Anna. Hindi pa ito nagigising mula ng operahan ang babae. Marahan niyang pinisil ang kamay nito na kanina pa niya hinahawakan. Nagpapasalamat siya at dumating sila sa tamang oras. Sa isang malayong lugar sa Batanggas dinala ni Caroline si Anna. Mabuti na lang at mabilis itong na trace ni Karyll, ang tracker expert ng ahensya. Kapatid din ito ni Patrick kaya hindi nagpapahuli pagdating sa galing sa trabaho. Hindi nila ito kasama ng puntahan nila si Anna. Si Sasha na asawa ni Patrick ang kasama nila at dalawang agent ng ahensya. Si Mary Ann, na ang totoong pangalan ay Mar

