ANNA IS WALKING inside the building of DL Law Firm. Kakagaling niya lang sa isang kaso niya at may kailangan tapusin na papeles tapos lalabas ulit siya para makipagkita sa isa pa niyang kliyente. Marami siyang kasong hawak nitong nakaraan at nadagdagan na naman iyon. Nasa likuran niya si King. King is always with her. Kahit saan siya pumunta ay nakabantay ito maliban na lang kapag nasa opisina siya o nasa mansyon ng Saavadra. Kung ang iba ay na-iilang kapag may nagbabantay, siya naman ay hindi. Nasanay na siyang nakabuntot sa kanya ang lalaki. Nalaman niya na matagal na itong body guard ni Alex. May asawa’t anak na din pala ito. Nasa isang safe house ang pamilya ni King kaya malaya nitong nagagawa ang trabaho. Minsan lang daw nito nakakasama ang pamilya. She is very thankful to King. Mati

