"YOU REALLY won't tell me where we are going?" tanong niya sa kasintahan habang nilalagay nila ang gamit niya sa likuran ng Toyota Sequoia TRD Pro nito. Bago ang sasakyan na iyon at ang sabi ni Alex ay binili nito iyon para kapag gustong magbakasyon ng pamilya niya ay may magamit sila. Noong una ay nagalit siya dito pero sinabi nito na hindi lang para sa pamilya niya kung hindi para na rin sa magulang nito. Mahilig din kasing magbakasyon ang magulang ng kasintahan. Inilapit ni Alex ang sarili sa kanya pagkatapos ilapag ang gamit niya. Inilagay nito ang dalawang braso sa kanyang baywang at hinila siya palapit dito. "Secret but I know you will like the place." Kinantalan ni Alex ng halik ang kanyang pisngi bago siya binitiwan. Napa-iling na lang siya at sinundan ito ng tingin. Lumapit it

