RiSH's POV For real, nasaan na ba ang bahay namin? Kanina pa akong palakad-lakad pero wala pa rin iyong bahay. *sighed* Iyong totoo, naglalakad ba iyong bahay namin? Kapag nakita ko iyon, sisipain ko paa noon. Napatingin na lang ako sa paligid, madilim na at gutom na ako. Nakarating na pala ako sa isang park, naupo na lang ako sa isang bench. Pipikit na muna sana ako nang maagaw ng isang lalaking tumatakbo ang atensyon ko. May mga babaeng humahabol sa kanya. Nang mapadaan siya sa tapat ko, malinaw kong natitigan ang mukha niya. Parang familiar ang mukha niya. Napakunot-noo ako habang iniisip ang kamukha ng lalaking papalayo. Sino nga ba? *kruggkuggggggg* Hindi na nga lang ako mag-iisip, lalo lang akong nagugutom. Nasaan ka na bang bahay ka?!! XAN

