TRISXH's POV
Nakakatamad pumasok. Baka kasi makita ko na naman siya, hindi ko ata kakayanin. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makarecover! First time ko kaya makakita ng ganoon, tapos LIVE pa! As in, in front of my two beautiful eyes! Dapat talaga hindi na ako nag-CR noon!
“Aray.”
Tama ba namang batuhin ako ng unan.
“Why you're here?” tanong ni Beshie.
Andito kasi ako sa room ni Spongebob, I mean room ni Beshie. Kahit saan ka kasi tumingin, mukha ni Spongebob ang makikita mo! Kaadikan talaga ni Beshie sa Sponge na iyon! Mas cute pa naman si Patrick dun.
Yayayain ko sana siyang mag absent ngayon, feeling ko naman papayag ito e. Hihihi!
“Absent tayo ngayon Beshie.”
Kumunot ang noo niya, tapos tinitigan akong mabuti.
“Why?”
“K-kasi, second day pa lang naman ngayon, so.. okay lang naman siguro di ba?”
“What happened in the CR?”
“C-CR?”
May alam kaya siya? Bakit bigla niyang naitanong iyon? Gusto ko na ngang kalimutan iyon e! Psychic na rin ba si Beshie?
“Ganyan ka na after mo mag-CR, tulala at parang nakadrugs.. so what happened?”
Ang haba noon, ilang words iyon? 13 words from Beshie, it's a miracle!
“Beshie, mahaba ka nang magsalita ngayon.”
“Don't change the topic.”
Akala ko makakalusot na ako.
“Pwedeng secret na lang Beshie?”
“No.”
“Ganito kasi iyon Beshie.. ahm ready?”
Tumango siya.
“Kasi noong paglabas ko ng cubicle, may biglang nag-appear na white lady! Grabe Beshie, nakakatakot talaga! Ang haba ng hair niya, tapos may dugo pa sIya sa mukha. Ayoko na ngang maalala ihhh.. kaya absent na lang tayo ha, baka dalawin ako noon sa classroom.”
Tinaasan lang niya ako ng kilay.
“Hindi ka naniniwala Beshie?”
“Bata lang ang maniniwala sa kwento mo.”
Bakit ba ako pinagkalooban ng matalinong bestfriend?! Ang hirap tuloy utuin. Sasabihin ko ba? Baka kasi pagtawanan lang ako nito. Pero hindi, pareho lang naman kaming inosente. Kaya sa tingin ko makakarelate naman siya. Tapos.. papayag na siyang mag-absent kami! Yes!
“Spill or I'll kick you out of my room.”
Kick talaga? Paano na ang maganda kong mukha kapag sinipa niya ako? No choice, kung hindi ibunyag ang malagim na kaganapan kahapon.
Tiningnan ko sya.
“Ganito kasi Beshie..”
Dali-dali akong pumasok at saktong may isa pang cubicle na available. Pumasok na ako at inilabas ang dapat ilabas. Sarap sa feeling!
Nakangiti pa akong lumabas ng cubicle at tinitigan ko pa ang reflection ko sa salamin. Ganda ko talaga. Maglalakad na sana ako palabas ng..
“ahmmmm mmmmm”
Ano iyon?! Mag-isa pa naman ako! May mumu?
“ahhhhmmmm mmmmmmmm”
Matatakutin pa naman ako! Pero, baka naiinip na si Beshie, mas nakakatakot iyon kesa sa mumu. Kaya ko ito! Wag na lang pansinin! Tama! Dedma lang! Wala akong naririnig!
Nagsimula na ulit ako maglakad at habang papalapit ako sa pinto, palakas ng palakas. Feeling ko sasabog na iyong puso ko sa sobrang kaba.
*Ting*
Tama! Ang kailangan ko lang gawin ay.. magdasal! Okay, game.
“Our Father, Who art in heaven, Hallowed be Thy Name;.Thy kingdom come, Thy will be done, on earth as it is in heaven. Give us this day our daily bread, and forgive us our trespasses, as we forgive those who trespass against us;----------------------”
“Hu may gulay, Sta Maria! Santisima!” saad ko, sabay takip sa mga mata.
My virgin eyes! What the! Bakit may porn sa CR na ito?! May dalawang nilalang na halos hubaran na ang isa't isa. Nagtutukaan pa! Nakasandal pa si babae sa may pinto, sarap na sarap. Tama bang sa CR gawin iyon? Saka,CR ito ng mga babae, bakit pumasok ang lalaking ito?! Nakatalikod siya sa'kin kaya hindi ko nakita ang mukha.
“Sabi mo walang tao!” sita noong lalaki, mukhang nabitin?
“S-sorry.. halika sa iba na lang tayo”
At talagang iyong babae pa ang nagyaya? Ganito na ba talaga ang mga kabataan ngayon?
“No, thanks..”
Then, narinig kong bumukas ang pinto, lumabas na ata iyong lalaki
“Hey, Blake!” sigaw naman noong babae, hinabol pa ata! Tapos naramdaman kong may humatak ng nakatakip kong kamay. “Kasalanan mo ito? Bakit ka ba kasi andito?” saad noong babae
“Umihi?” saad ko.
“Istorbo!”
Then umalis na siya sa harap ko, hahabulin siguro iyong lalaki. Ako pa istorbo? Dinumihan nga nila ang malinis kong isipan ihhh! Hindi na birhen ang mga mata ko!
Naglakad na lang ako palabas, tapos..
Sino ito?! May gwapong nilalang na nasa harap ko. Ngumiti pa!
“Thanks sa istorbo *wink*” then he patted my head at umalis na.
So.. siya iyong manyak sa CR? Sayang, gwapo pa naman!
“That's it?” tanong ni Beshie after ko ikwento iyong nangyari.
Tumango ako.
“Kaya wag na tayong pumasok, baka makita ko ulit iyong lalaki tapos ako naman manyakin.”
“Asa..” then tumayo na siya at pumasok sa CR niya, “Bilisan mo, baka malate na tayo.” then sinara na niya iyong pinto.
Akala ko pa naman papayag na siyang hindi pumasok after ko ikwento iyon. Kailan ba siya tatamaring mag-aral? Sana talaga hindi ko na makita ang lalaking iyon!