TRISXH’s POV
Hindi pa rin ako makarecover sa mga kaklase ko. Nganga talaga sila, everytime sasagot si Beshie, pati si Mr. Pogi napanganga kanina sa Economics class. I really enjoyed it. Capture na capture ko every moments. Ready to upload na!
We’re on our way nga pala sa Canteen1, since it's our break time. I'am with Beshie, si Hydee kasi dadaan pa daw sa SC office.
Pagpasok namin sa canteen.
“Woah!” Ang daming estudyante, ang haba ng pila.
“I'm hungry.” wika ni Beshie.
Napalunok naman ako at kinabahan. Nakakatakot kasi siya kapag gutom! What to do?!
*Ting!*
Light bulb.
A. Tumakbo at bumili ng pagkain sa labas. Pwede ba lumabas?
B. Sumigaw ng “Sunog!” Hindi kaya makick-out ako noon?
C. Suhulan ang mga estudyante para paunahin kami sa pila. Sa dami nila, hindi kaya maubos allowance ko?
D. All of the above.
Bad ideas. Pero okay naman iyong letter B, hindi ko na lang ipapahalata na ako iyong sumisigaw. Tama, tama!
Okay, ready..
Inhale.
Exhale.
Lagay kamay sa pagitan ng bibig.
“Sun----”
“Classmates!”
At hindi natuloy ang plano. Sino bang epal kasi iyon?
“Dito!”
Ayun. Si Mr. Pogi pala! Tapos lumapit siya sa’min.
“Mahaba ang pila, upo na lang kayo ako na bibili ng pagkain niyo.” malawak ang ngiting saad nito.
Hindi ba sya napapagod ngumiti?
“Naku, hindi na. Nakakahiya naman sa’yo. “ sagot ko. Alam ko namang hindi magsasalita si Beshie, minsan lang iyan makipag-usap sa ibang tao.
“No worries. I insists. Pa-welcome ko na rin sa iniyo. “
Nag-English si Lolo, mukhang yayamanin si Mr. Pogi ah, very natural.
“Ha? Hindi naman kailangan saka -----”
“K.”
Hindi natuloy ang sasabihin ko, bigla kasing nagsalita si Beshie, tapos umupo na siya sa vacant table. Halatang gutom na nga, nakakunot-noo na kasi.
“Hintayin niyo na lang ako ah. Ano bang gusto niyo?” tanong sa’kin ni Mr. Pogi.
“Ahm.. spaghetti at palabok, tapos isang sparkle at chuckie.” tugon ko naman.
Ang pogi niya pala sa malapitan. Ang kinis. Tapos chinito, parang nagtu-twinkle pa iyong mga mata niya. Plus his killer smile. Pwede na siyang mag-artista!
“Noted, iyon lang ba?”
Tumango ako at dudukot na sana ng pambayad.
“My treat.” then umalis na siya sa harapan ko. Galante pala ang mga estudyante ng public school?
Umupo na lang ako sa tapat ni Beshie na nagmumukha ng zombie dahil sa gutom.
“Ang sama ng tingin sa’yo ng mga fan girls ni Mr. Late. “ saad ni Beshie. “You’re dead. “
Kaya pala kanina pa akong kinikilabutan. I scanned the crowd. Sheet of paper! Bakit nanlilisik ang mga mata nila? Akala ko ba friendly ang mga students dito?
“B-Beshie.” I said with my trembling voice.
Hindi naman kasi ako kasing tapang ni Beshie. Hindi ko nga magawang pumatay ng lamok.
“Psh!”
She’s annoyed, iyan ang epekto ng gutom sa kanya. Lalo siyang hindi makakausap ng matino.
“They will bully you, lock you in the CR or worst, they will kill you.”
Sabi sa iniyo nakakatakot siyang magutom. Kung ano-anong sinasabi, madali pa naman akong matakot.
“Beshie naman ihh!” I pouted.
“Tsk, don’t pout, it’s annoying.”
“Then stop bullying me.”
“I’m not bullying you, I’m warning you”.
“B-Beshie.”
“Tsk.”
Then suddenly, may lumitaw na delicious palabok!
Andito na ang food! Andito na rin si Mr. Pogi at galit na naman ang mga fans niya.
“Mukhang gutom na gutom ang kaibigan mo ah.” bulong sa'kin ni Mr. Pogi.
Katabi ko kasi siya, kaya ako na naman ang pinapatay sa tingin ng mga fans niya. Then, tumingin ako kay Beshie.
Oh my! Si Beshie, halatang gutom nga. Dire-diretso ang subo niya na akala mo 1 year na hindi pinakain. Basta para sa pagkain nawawalan na siya ng pakialam sa paligid. Ganyan naman talaga siya kumain, iyon ay kung kaming dalawa lang. Pero ngayon, halos lahat sa’kanya nakatingin.
Sino bang hindi mabibigla? Isang napakagandang babae tapos, kung kumain, dinaig pa ang patay-gutom. Beshie, kasi!
“What?” turan niya ng mapansing center of attraction na naman siya.
Umiling lang ako at kumain na lang din, baka sungitan pa’ko ni Beshie!
“Ganyan talaga siya kumain?” bulong ulit sa’kin ni Mr. Pogi, mukhang nabigla talaga siya.
Tumango ako, “Kapag sobrang gutom.”
Ngumiti naman si Mr. Pogi at kumain na rin.
“Thanks nga pala.” saad ko.
“No problem, by the way, Jake Cyrus Yuzon nga pala.” tapos inilahad niya ang kamay niya.
Tinanggap ko naman, “Trisxhiezkie Anne Lagdameo, Trisxh na lang.”
“Nice to meet you, Trisxh.” then tumingin siya kay Beshie, “How about you?”
Tiningnan lang siya ni Beshie na kasalukuyan nang iniinum ang chuckie niya. Her favorite. Ang bilis niyang kumain, nakaka-tatlong subo pa nga lang ako. “Airish.” tipid niyang wika.
One-liner talaga siya sa ibang tao. And, I’m lucky kasi nakakausap ko naman siya ng matino. Kahit papaano.
“Ganyan talaga siya katipid magsalita? Sa class naman, halos memorize na niya iyong buong libro ah.” mahinang saad ni Mr. Pogi.
Natawa naman ako.
“Depende sa mood, mabuti nga kinakausap ka, si Hydee nga, kahit simpleng Hi wala.”
“Talaga? So, nameet niyo na pala si Hydee?”
Tumango ako.
“Gusto mo pa ng food?” tanong niya kay Beshie.
Umiling naman si Beshie. Napipi na naman.
“Bakit nga pala kayo nagtransfer sa EXONHS?” tanong niya pagkatapos uminum ng C2.
Nagkibit-balikat lang ako.
“Ayos sa sagot ah.”
Ngumiti na lang ako. Hindi ako makakain ng maayos. Feeling ko kasi mamamatay na ako sa titig ng mga babae dito. Patanasaan pa sila ng kilay. Tinitigan ko si Mr. Pogi, hindi ba siya aware sa mga matang nakatingin sa kanya? Parang wala lang kasi for him o sanay na siya?
Maya-maya biglang nagring iyong phone niya.
“Oh tol? Sa tambayan? Okay, papunta na ako. “ he ended the call and smiled at us. “I need to go.. kita-kits na lang sa classroom ah.”
Tumango ako. “Salamat sa foods.”
Ngumiti lang ulit siya at tumayo na, naglakad na siya palabas, pero nagwave muna bago tuluyang lumabas ng canteen.
“Let’s go? Mamamatay ka na sa titig nila.” wika ni Beshie.
Napansin rin pala niya. Tumango na lang ako at tumayo. Hindi ko man lang naenjoy si palabok mylabs.
“Sila iyong bagong students di ba?” – Ate Girl 1
“Oo, akalain mong nagpalibre kay Jake. “ – Ate Girl 2
“Narinig ko ngang tinawag na classmates, meaning taga 4-A sila.” – Ate Girl 3
“Kapal lang ng mukhang magpalibre.. ganoon ba sila kahirap?” – Ate Girl 2
Bulungan ba iyan? Bakit ang lakas?! Ito na nga uh, aalis na. First day pa lang namin, gulo na agad?
“Mabuti naman at aalis na sila, hindi ako makakain sa pagmumukha nila uh” – Ate Girl 1
Tumaas ang kilay ko dun. Hindi na ako nakatiis at nilingon ko sila. Pfft! Sa kanya talaga nanggaling iyon? Mukha siyang bisugo uh, siya nga pinakapangit sa kanilang tatlo! Nailing na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
“Want me to slap them?” seryosong saad ni Beshie habang nakalingon sa tatlo.
“Beshie, gusto mong makick-out ulit?”
She just shrugged. Hinawakan ko na lang ang kamay niya at ngumiti.
“Kaya natin ito Beshie.”