RISH’s POV
After 23 minutes, natapos din sila sa pagtakbo. Humihingal sila at pawis na pawis. Inilabas ko na iyong note sa bulsa ko. Syempre kailangan ko magtake-notes. Kung sino-sino iyong mahihina ang resistensya at kailangan ng improvements. Pinagmasdan ko sila at inobserbahan ang kanilang paghinga. Halos lahat sila malalim ang paghinga. Ibig sabihin lahat sila mahina ang resistensya? Paano sila mananalo kung ganyan.Tsk.
So, si sungit iyong star player. Siya ang magiging referee.
“Maglaro kayo, two teams. Ang matatalo sila ang maglilinis nitong gym.” turan ko habang nakatitig sa notes ko.
“Ha? papatayin mo ata kami coach.” reklamo na naman ni manyak.
Tumingin naman ako sa kanya ng masama. Napalunok siya.
“Two teams daw, sama ako sa team mo Karl.” saad ni manyak.
“Ayoko nga, ipapatalo mo lang ang team ko.” tugon naman ni Mr. Kamay.
At habang namimili sila ng team mates, nagsalita na ako.
“Game na.” saad ko, tapos tumingin ako kay sungit. “Referee ka..”
“Why?” tanong niya.
“Star player ka di ba? Gusto mo bang palagi na lang sa'yo aasa ang mga kateam mo?” tanong ko rin sa kanya.
Natigilan naman siya.
Tinapik naman siya ni Mr. Late, “Tama si coach Xander.”
“Oo nga, hindi naman pwedeng ikaw lang ang palagi ang magpapasikat.” turan ni manyak.
“Tama.” sang-ayon naman ng iba.
Bumuntong-hininga naman siya saka pumito.
“Let the game begins.” turan niya.
“Teka.. sinong scorer?” tanong ni Mr. Dimples.
Maliit na board lang kasi iyong pinagsusulatan ng score. Hindi iyong nakikita sa TV, na automatic nang nagfa-flash. Manual lang iyong sa kanila.
“Beshie!” sigaw ni Trisxh na ikinalingon naming lahat.
Kasama iyong apat na weirdo.
“Hello Ms. Perfect!” sabay sabay nilang bati sa’kin. “Manonood kami ha!”
“Problem solved.” sabi ko, tapos tumingin ako doon sa apat, “Magscore kayo dun!”
Sabay turo sa corner kung nasaan iyong board na lalagyan ng score.
“Ayieeeeh, kinausap niya tayo!” – Payat
“Tama, hinihingi pa niya ang tulong natin!” – Liit
“Ang dami pang gwapo dito!” – Taba
“Tara na, tara na.” – Text addict
At ayon nga nagmartsa na iyong apat. May pakembot-kembot pang nalalaman. Sabagay kahit paano, may pakinabang din sila.
“Game na!” untag ko sa mga players.
Umupo naman sa tabi ko si Trisxh.
*prrrrrrrrrrrrrttttttt*
Pumito na naman si sungit at kinuha ang bola.
Ito ang magkakampi:
Team A : Mr. Late , manyak , kapal kilay , Mr. Dimples , gangster
Team B: Mr. Kamay , saint guy , smiley , emo guy , snow guy
“Beshie musta?” wika ni Trisxh sa tabi ko.
“Okay lang.” saad ko habang nanonood.
“Naglaban daw kayo ni Xander?” – Trisxh
Napalingon naman ako sa kanya.
“Paano mo nalaman?”
“Ahm.. usap-usapan kaya. May nakakita atang student kaya ‘yan kalat na sa buong school na tinalo mo ang captain ball nila.”
Tumango naman ako.
“Paano ‘yan Beshie, magiging madaldal ka na siguro niyan.”
“Why?”
“Syempre, hindi naman pwedeng mag-sign language ka sa mga players!”
Tinaasan ko lang siya ng kilay lalo na ng humagikhik pa siya.
“Beshie kapag walang klase, palagi akong manonood ng practice ha.” – Trisxh
“Para mabantayan mo si manyak?” tanong ko, sumimangot naman siya.
“Hindi ah! Ayoko sa manyak!”
Nagkibit-balikat lang ako at nanood na ulit ng laban.
3-2.
Lamang ang team ni Mr. Late.
Pinagmasdan ko lang ang laro ng lahat. Kung sinong magaling mag-3 points, magdribol, magdala ng bola, magpasa, maglay-up. At kung sinong magaling magfoul.
*prrrrrrrrrrrrrttttt*
“Foul!” – sungit.
“Whoah! Bola iyon Xander.” palusot ni manyak.
Tss.
“Beshie.. “ tawag na naman ni Trisxh.
“Ahm?”
“Pupunta sa Saturday iyong apat sa bahay.” saad nito
“Why?”
“Group study daw.”
“Bakit sa bahay?” tanong ko.
“Gusto daw makita ang bahay natin.”
“Pumayag ka naman?”
“Oo Beshie, masaya iyon!”
“Okay, bahala ka.”
“Thanks Beshie!”
Wala na naman akong magagawa, pumayag na kasi siya. Hindi ko naman pwedeng bawiin pa.
Tuloy-tuloy lang ang laban, halos dikit lang.
43-45. Lamang na ang team ni Mr. Kamay.
Anong oras na ba? Gutom na ako. Ang aga ko kayang kumain, tapos naglaro pa ako. Nakakapagod kaya iyon. Gusto ko ng fried chicken.
“Gutom ka na Beshie?”
Tumango lang ako.
“What time ba kayo magbi-break?”
I just shrugged. Hindi ko rin naman kasi alam. Dapat pala palagi akong magbaon ng pagkain. Kawawa naman kasi ang mga alaga ko.
“Beshie!” sigaw ni Trisxh, tiningnan ko naman siya. “Y-yung mga players!”
“Omg!” rinig ko namang sigaw noong apat.
Paglingon ko sa court, naging boxing na ang laban. Si manyak at si emo guy.
“Gago ka ah, kanina ka pa.” sigaw ni emo guy sabay suntok.
“Hindi ko naman sinasadya! Porket lamang na kami, mapipikon ka!” sagot naman ni manyak at sumuntok din.
Inaawat na sila noong iba, pero ayaw paawat. Ano bang pinaglalaban nila?
Si sungit nakikiawat na rin, kaya lang nagkainitan na rin iyong iba. Kaya ‘yan, ang gulo gulo na nila.. kanya kanya nang suntukan. Nakakatamad pa namang tumayo. Pero no choice, tumayo na ako at naglakad.
Pumuwesto ako sa gitna nila at inihanda ang paa ko. Flying kick! Isang tira, lima agad ang tumba. Tsk. Isa pa. Tumba naman iyong anim. Basketball dapat ang ginagawa nila, hindi iyong ganito.
“C-coach?! “ sabay sabay nilang saad habang hawak ang mga mukha. Oo, pati si sungit.
“Gusto niyo pa?” tanong ko.
“Woah! Ms. Perfect!” may pagpalakpak pang saad noong apat.
“S-sorry coach!” turan ni emo guy.
“Sorry coach.” gumaya naman iyong iba.
“Break!” sigaw ko.