CHAPTER 8

1024 Words
Gusto kong manabunot sa kilig at sa inis na rin. Sino ba namang mag-aakala na hindi lang dahil sa kukuha kami ng order kaya niya kami in-entertain? Bida-bida lang naman si Aphrylle kaya niya nasabing o-order-in ko pati ang number ng lalaki. Parang gusto ko tuloy siya ilibre ng kahit anong gustuhin niya. “Kung alam ko lang na nagbibigay ng guwapong mission si Sir Val, e’di sana lagi akong ginaganahan magtrabaho.” Tulalang komento ni Sierra pagkatapos nguyain ang fries. “Napakasuwerte naman talaga ng Tanya na ‘to! Iyong last na mission ko eh adik na nga sa droga, matandang hukluban pa,” si Maria naman ang nagsalita. Hindi ko maiwasang mangisi. Pasimple kong kinurot ang baiwang ni Aphrylle kaya nanlaki ang mga mata niya sa akin. Hindi naman niya nagawang sitahin ang ginawa. Kalaunan ay sumilay ang mapang-asar niyang ngisi at sinabunutan nang mahina ang buhok ko. “Takte ang gaga, parang sinabuyan ng blush on ang mukha!” Malakas na aniya kaya sa takot na marinig ng iba ay natakpan ko ang bibig niya. “Eh, paanong hindi mamumula ‘yan, may last order pang makukuha,” natatawang ganti pa ni Hazuki. Ang nga baklang ‘to ay enjoy na enjoy na mayroong pang-asar sa akin. Halos nang mabuhay kasi kami nang magkakasama ay ako palagi ang nangungunang asarin sila. Nakakabawi na ang kaibigan ko at wala man lang akong magawa para pigilan sila. “Shut up! Baka akalain no’n ay marupok ako dahil sa ginagawa niyo.” “Parang hindi naman na kami kailangan para masabi niyang ganoon ka, Beb. Iyong itsura no’n ay mukhang nababasa ka kahit nasa malayo ka pa,” sambit ni Sierra. Napaisip naman ako tungkol do’n. Medyo totoo naman ang sinabi ng kaibigan ko. Nalaman nga noon dati ang pangalan ko. Nang hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung paano niyang nagawa iyon. I don’t even wear my ID that time. Kahit ang nametag ay hindi ko rin suot. Medyo mali nga ako sa part na hindi ko man lang tinago ang itsura ko. Kaya possible talagang makilala niya ako kapag tama ang kan’yang natanong. “Wait a minute. After daw ng shift niya ibibigay ang last order mo. Ano naman kayang oras ‘yon?” Maya-maya ay usal ni Maria. “Oo nga! Baka paghintayin pa niya tayo hanggang magsara ‘tong mall, ah?” “Gaga ka, Aphrylle! Sino naman may sabing pati tayo ay maghihintay? Si Tanya lang naman ang kailangan ng lalaking iyon kaya kahit gaano pa tayo ka-support sa malanding ‘to ay uuwi tayo.” Pambabawi ni Hazuki. Iyon nga ang gusto kong mangyari. Puwede naman na silang umuwi at ako na lang ang maghihintay kay Casper. Wala na rin naman akong gagawin mamaya dahil wala pang naibibigay na mission si Sir Val. August pa naman ang pasok ko sa school. “Ay, sorry, ah? Hindi ko naisip ‘yon. Huwag niyo sana akong pagtulungan mamaya pag-uwi natin.” Napailing na lang ako at saglit na tinawanan ang sinabi ni Aphrylle. Dahil pare-parehas na kaming busog ay hindi rin namin naubos ang pizza. Iyong fries na lang ang pinagtulungan namin at pina-take out na lang ang natira. “Beb, ikaw na,” ani Maria nang matapos ito sa loob ng CR. Lumabas na ang iba naming kaibigan kaya nagmadali na rin ako para makasunod pa. Hindi naman kailangang magtagal ako sa loob dahil maghuhugas lang ako ng kamay at mag-re-retouch nang kaunti. “Sh*t!” Imbis si Maria ang datnan ko paglabas ng CR ay isang lalaki ang nakasandal sa dingding. Napalinga pa ako upang hanapin ang mga kaibigan ko ngunit mukhang nakalimutan na nila ako o sinadyang iwanan. Hindi ko tuloy alam kung ano ang sasabihin ko dahil hindi pa nakakahupa sa pagkakagulat. “Are you done?” Iyong hindi ko naman na kailangan lingunin pa ang pintuan ng CR ngunit nagkusa na ulo ko. Dahan-dahan akong tumango at pinirmi na lang sa paanan niya ang mga mata ko. Nasaan na ba ang tapang ko? “May gagawin pa ba kayo ng mga kaibigan mo? I saw them leaving you here,” he said. Ngayon lang humaba ang pakikipag-usap niya sa akin. At ngayon ko lang din siya narinig na magsalita ng tagalog. Marunong naman pala ang isang ‘to. “Ano… Uhm, uuwi na yata ang mga ‘yon.” Nagsimula akong humakbang nang makita kong maglakad na siya. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sundan ngunit kusa na akong dinadala ng mga paa ko kung saan siya naglalakad. Well, sinabi naman niyang pagtapos ng shift ang huling order ko, I mean, si Aphrylle pala ang nagsabi no’n pero ganoon na rin naman. “Tapos na ba ang s-shift mo?” Medyo naubo pa ako nang banggitin ko ang pangalawa sa huling pangungusap. “Yeah,” he simply answered. Naitikom ko ang bibig ko nang hindi na madugtungan ang sinabi niya. Ano naman kaya ang puwedeng idungtong sa isang salita na ‘yon? Pagkatapos niyang kausapin ako nang medyo mahaba kanina ay titipirin niya ako ngayon. “Uh, dito na ako sa kabila. I did not bring my car. Mag-ta-taxi lang ako,” sabi ko nang mapamilyaran kung aling daan ang tinatahak namin. “Ihahatid kita,” tipid pa ring aniya na nagpagulat sa akin. Number lang naman ang inaasahan kong makukuha ngayon. May mabuti ba akong nagawa at pinagpapala ako ng Casper na ‘to? Minsan may mabuting dulot din talaga ang pagsama sa mga tropa. “Nakakahiya naman. Ano… Uhm, baka nandiyan pa sa parking iyong mga kaibigan ko. Sisilipin ko na lang muna.” Kahit papaano naman ay may hiya pa ring natitira sa katawan ko. “Your friend said, that if I leave you here, they will haunt me. I don’t want to die, so…” Kahit sino talaga sa kanila ay mahirap iwanan lalo na at nasa malapit lang si Casper. Malingat lang ako saglit ay nakakagawa na agad sila ng bagay na ako rin ang magsisisi at mahihiya sa huli. “Wala rin namang problema sa ‘kin. May kailangan din naman ako sa ‘yo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD