We spent almost three weeks in the hospital. No one really knows what happened inside our house. Ang nagdala sa amin ni Papa ay iyong mga kalalakihang akala ko ay papatayin na kami. Sila-sila pala ang kasama ng aking ama na tumiwalag sa Mafia Clan. Hindi na nga ako nagtanong no’n. Basta na lang akong kinausap ng isang lalaki na kaedad ni Papa at sinabi ang tungkol sa grupo nila. Sobrang interesado ako sa bawat sinasabi ng mga kasama kong lalaki. Dahil medyo malayo-layo ang hospital na pinuntahan namin ay naging mahaba ang usapin. Wala naman akong balak na sumali sa mga ganoon. Nakakaengganyo lang pakinggan at nakakilala ako ng mga literal na Mafioso. “Labing walo pa lang kami noon nang sumali kami sa Mafia Clan. Matagal na panahon din kaming nanatili sa grupong iyon at masasabi kong ka

