“Where do you want to eat, Ruiz?” I asked softly. Sa ilang oras na nanatili kami sa pagtingin lang ng paligid ay hindi na ako nag-abala pang magsalita. Hindi ko rin naman alam ang isasagot sa kan’ya dahil sarili lang niya ang makakasagot sa kan’ya. Kung talaga ngang siya si Veronica ay dapat niya iyong maalala. “May bukas na sigurong restaurant, tara?” Pag-aya kong muli nang hindi siya sumagot. Naghintay ako hanggang sa mapagdesisyunan na niyang umalis. Halos mag-aalas otso na rin naman ng umaga kaya may mahahanap din kaming makakainan. I am not sure sa mga gusto niyang pagkain kaya habang nasa biyahe ay nagtatanong ako. “Do you have a specific food that you want to eat?” My voice was a bit loud. Baka hindi rin kasi niya ako marinig dahil nasa kalsada kami. May mga sasakyan din sa

