Before he exited himself, his eyes bore on me. Mabilis ang ginawa kong pag-iwas ng tingin at nagkunwari pang nagsusulat kahit puro lines lang naman ang aking nagagawa. Wala naman kaming relasyon para magkaganito ako. Ngunit marunong akong umiwas kapag alam kong hindi maganda para sa akin.
Kung totoo man ang sinabi ni Irene ay hindi ko na sasayangin pa ang oras ko na makipag-usap kay Sir. I don’t like a man who is roaming around the Club with so many girls. Ang tingin ko sa kanila ay hindi mapagkakatiwalaan at puro pasarap lang sa buhay.
“Gan’yan dapat ang ginagawa mo sa una pa lang, Tanya. Huwag masyadong papansin,” ani na naman ni Nica.
Hindi ko siya nilingon. Nauubusan na ako ng gana para patulan pa ang mga sinasabi niya sa akin ngayon. Wala na rin naman akong pakialam kung ano ang mayroon sa kanila ni Sir. If Nica is one of the girls that Irene saw with Sir then, starting from now I will not give a care.
“Akala naman niya porket napansin siya nang una ni Sir Sinfuego at palaging inuutusan ay pinag-iinteresan na siya. Masyado kasing pabibo.”
Lunch break and I am still inside the cafeteria. Wala naman talaga akong appointment kaya hindi ko alam kung papasok ba ako o manggugulo na lang sa mga kaibigan ko. Wala namang importanteng gagawin ngayon bukod sa makinig sa lesson ng teacher.
Ayoko na lang tumagal pa ang pag-uusap kanina kaya iyon ang aking dinahilan. Fifteen minutes before the next subject and I decided to leave the school. Bahala na kung may ma-miss akong lesson. Mag-aaral na lang ako sa bahay.
Madadaanan ang faculty room papunta sa parking area kaya medyo nagmadali ako. Hindi rin ako sumilip doon gaya ng madalas kong ginagawa noon. I am really doing an effort to avoid my teacher.
Lakad takbo ang ginawa ko lalo na nang mapansin ko na ang aking sasakyan. Ngunit napahinto rin ako kaagad nang makitang nakasandal doon si Casper Kyle.
“Dapat pala pumasok na lang ako.”
Nakamot ko ang aking pisngi nang hindi na nga ako gumawa ng ingay ay dumiretso pa sa akin ang paningin niya. Parang alam niya kung saan ako nakapuwesto at hindi na naalis pa sa akin ang mga tingin. I licked my lower lip and started to walk again.
“Don’t look at him, b*tch!” I was panicking.
Pakiramdam ko ay konting kalabit lang ay rurupok ako. Ayoko namang mangyari ‘yon kaya ginawa ko ang lahat para hindi siya madapuan ng tingin. Dahil nasa kabila naman ang driver’s seat ay hindi ako dumaan sa harapan niya.
Doon ko lang din na-realized na katabi ng kotse ko ang kotse ni Nica. Ang lakas ko namang mag-assumed na ako ang hinihintay niya. Tsk! Minsan talaga ay napapahamak ko ang aking sarili.
“Ruiz,” his cold voice was so evident. Iyon at iyon pa rin talaga ang tono ng boses niya kahit paminsan-minsan na kaming nag-uusap. “I saw your texts earlier.”
Yeah, right! Kanina niya lang nabasa dahil busy siyang makipaglandian sa iba. Napaka-assume-ra ko talaga para isiping nagkakaroon na ng progress ang pag-uusap naming dalawa. Masyado akong nadala sa mga paghatid at sundo niya sa akin. Ni hindi ko napansin na kagaya rin pala siya ng mga lalaking nakikita ko madalas sa Club.
“Excuse lang, Sir, iaatras ko ang kotse ko,” wika ko bago buksan ang pintuan.
Hindi naman ako madalas mainis ngunit ngayon ay habang nasa paligid lang siya ay hindi ko maiwasang makaramdam ng ganoon. Para bang konting tingin ko lang sa kan’ya ay ma-i-imagine kong may kasama siyang mga babae. At kasama na roon si Nica.
Nang makasakay ako at isasara na sana ang pintuan ay may puwersang pumigil doon. Naitaas ko ang kaliwang kilay ko at binalingan ang lalaki. Kung gaano kalamig siya makipag-usap ay ganoon din ang kan’yang itsura. Hindi ko makikitaan ng sinseridad kahit siguro marinig ko sa kan’ya ang humingi ng tawad.
“I was busy yesterday. Did you finish your assignments?”
“Yeah. Ma-le-late na ako sa pupuntahan ko,” seryosong tugon ko.
Parang nananantiya ang tingin niya sa akin. Para bang kahit hindi ko naman sabihin kung bakit bigla akong umiwas ay malalaman niya kaagad kapag nagtama ang aming mga mata.
“Saan ka pupunta? You still have two classes to attend.”
“May importanteng gathering lang akong pupuntahan. Excuse me,” ani kong nakatingin sa hawak niya sa aking pintuan.
Nang wala akong napalang reaksiyon mula sa kan’ya ay ako na ang nag-alis ng kamay niya. Tiningnan ko pa siya ng masama bago isara ang pintuan. Heavy tinted na nga ang sasakyan ko ngunit kung makatingin siya ay parang pati kaluluwa ko ay nakikita niya.
Seryosong-seryoso ang itsura niya. Mariin ang ginawa kong pagkagat sa ibabang labi ko at sinimulan nang paandarin ang sasakyan. Wala naman akong balak um-absent ngayong 3rd year ko pero dahil sa kawalan ko ng mood ay pati pag-aaral ko ay nadamay.
Habang nagmamaneho at hindi ko malaman kung saan ako pupunta ay naalala ko ang mukha ni Nica bago malabas ng classroom kanina. Tinagilid niya pa ang kan’yang ulo at bahagyang hinawi ang buhok. Humawak siya sa kan’yang leeg na mayroong red mark at ngumisi sa akin.
“Arg! Akala naman niya hindi maalat ang balat niya.”
Alam kong kiss mark ‘yong nasa leeg niya. At mas nagpupuyos ako kapag naiisip na si Sir ang may gawa no’n sa kan’ya. That b*tch really knows how to make me mad. Baka kapag nahawakan ko siya ay masampal ko ang leeg niya para mapalitan ng bakat ng sampal ang nasa leeg niya.
“Tingnan mo lang talaga! Kapag nakita kitang umiyak dahil kay Sir ay tatawanan kita ng malala!” Pati sarili ko ay kinakausap ko na. Sobrang inis ang nararamdaman ko ngayon. Lakas ng loob mang-asar na may kiss mark pero lagi namang bagsak sa mga plates na pinapasa. "F*ck you all!"
Napreno kong bigla ang sasakyan nang makarinig ng sirena ng ambulance. Mariin kong tinakpan ang aking tainga at pinikit ang aking mga mata. Mabibigat ang bawat paghingang aking ginawa.
"Sh*it! Not again please!"