Dawn POV "Masaya ako para sa inyo Veron at Gil sapagkat nahanap niyo na ang anak niyo ngunit sa ngayon mahihirapan na natin ayusin ang nasabing kasal ni Da—I mean ng anak niyo at ni Eros." Natigilan ako sa narinig kong sambit ni Mr. Montero habang lumayo naman sa akin ang akin mga magulang at kapatid tiyaka muling sabay-sabay naming hinarap ang ama at ina ni Eros. "P-Pero kung mahal ng mga bata ang isa't isa wala namang kaso sapagkat hindi ko naman tunay na anak—" "Stop it! Kahit hindi mo tunay na anak si Eros ay alam ng mga tao na anak mo siya! At papayag ba kayo Gil na hindi niyo maipapakila ang inyong anak sa mga tao? Malaking problema ang ikakaharap ng pamilyang ito kung ipapakasal natin ang dalawa knowing na sa mga mata ng tao ay magpinsan ang mga ito." Natahimik ang lahat sa narin

