"Why did you call me Eros—" "I am marrying her, kaya ang tanong ko lang sa'yo pinsan payag ka ba?" Agad na kumuyom ang mga kamay ni Flix sa narinig mula sa kabilang linya. Niyayakap ito ng pagkalito pero andon ang galit na umuusbong dahil tila ba nang-uuyam pa si Eros. "And why are you telling me this?" Nakarinig si Flix ng tawa na alam na alam niyang galing sa gago niyang pinsan. "I am telling you this dahil mabilis lang ang oras Flix. She will be wearing gown, walking in the isle and after that we will have our honeymoon—" "DAMN YOU!" napasuntok si Flix sa kaniyang lamesa dahil sa mga naririnig niya. Hindi niya lubos maisip na mangyayari iyon. At ang marinig lamang ang mga iyon ay nagdadala sa kaniya ng matinding galit na hindi niya makontrol. Oo, sabihin nang sinuko niya si Dawn

