"Eros..." tawag ko rito nang sa huli'y nakapasok na kami sa loob ng bahay. Ngunit nakatalikod man ito ay kita ko pa rin na natigilan ito. "Bakit hindi mo ako magawang tanongin? You should ask me why! O hindi kaya magalit ka at iwan ako." Kasi ang hirap ng ganito, 'yung nangangapa ako at hindi alam kung ano ang dapat isipin. Dapat nga magalit ito dahil ako mismo ay nagagalit sa sarili ko. "P-Please Eros talk to me," napasabunot ito sa sarili nitong buhok bago ko narinig ang malakas nitong sigaw na puno ng sakit. Wala na ang pagpapanggap at maskara na kanina lang ay gamit nito. Ngayon mas ramdam ko ang galit at sakit na nararamdaman nito. "Arghh! Damn!" Napamura ito habang wala akong magawa kundi ang yumuko na lamang at tintanggap ang lahat ng mga ibibigay nito. "Why? Putek Yesha! G

