Dawn POV "Ate kinausap kana ba ni Eros?" Napapitlag ako nang bigla na lamang magsalita si Helen na ngayon ay nasa opisina ko. Dumalaw kasi ito ngayon. Pagkatapos kasi ng nangyari noong nakaraang tatlong araw ay mas napalapit na ako sa tunay kong pamilya. Sa mansion na rin nila ako umuuwi ngunit kung hindi si Helen ay ang ina o ang ama ko naman ang dumadalaw palagi sa opisina ko. Namimiss daw ako agad. Kaya nakaugalian nang laging may bisita ako habang nagtratrabaho. And to be frank, masarap sa pakiramdam at nasasanay na ako sa ganito. Halos gawin na nga akong maliit na bata ng aking mga magulang at ang rason nila ay madami raw kasi silang dapat na bawiin. "Uy ate tinatanong kita." Tinigil ko ang pagtatype sa aking laptop at sumandal sa aking swivel chair bago napatingin sa kapatid

