“Good morning, Darling!” halos umabot na sa tainga ang gumuhit na ngiti sa labi ni Meenah habang paulit-ulit na binabasa ang mensahe ni Marty sa kanya ngayong umaga. Bumalik na rin siya sa kinagisnan niyang pamilya. Tinanggap na niya ang katotohanan na hindi na sila mabubuo pa tulad ng dati. Hindi na sila mabubuo kailan pa man. Wala nang pag-asa. Wala nang magbabago pa. Masaya naman na si Leen sa bago niyang ama na itinuturing na rin niyang pangalawang ama kahit na limang taon lang ang tanda nito sa kanya. Mabait si Gardo at mapagmahal. Maalaga ito sa ina. At higit sa lahat totoong mahal nito si Amanda. Ayun nga lang ay hindi sila maaring ikasal. "At tama nga ang hinala ko. Nagdi-daydreaming ka na naman!" singhal ni Mercedes kay Meenah. Sanay na siya sa bruhang ito. Mula nang magbalik s

