I was in our room, sitting at the corner while reading my favorite novel when the bell rang. Nagsipasokan na ang mga kaklase ko kaya muling naging maingay ang room namin pero natahimik din sila nang pumasok ang aming guro.
"since ito ang first day ng school year na ito, magpapakilala kayo." ma'am. marami ang nagreklamo dahil kilala naman na namin ang isa't isa.
Nagsimula nang magtawag si ma'am at nagsimula ito sa pinakaunahan. Since nasa panghuli naman ang upuan ko kaya tumingin na lang muna ako sa bintana at nag muni-muni.
Bigla kong naalala ang paborito kong nobela at napaisip ako kung paano kaya kung hindi minahal ni calli si carter? mabubuhay kaya sya? ang tanga-tanga naman kasi ng babaeng yon! pinagtatabuyan at harap harapan na ngang pinapamukha sa kanya na hindi sya yung gusto, pinagpipilitan nya pa rin yung sarili nya. HAY! kung ako ang nasa katayuan nya ay susuko na ako at magpapalakas.
Naputol ang pag mumuni muni ko ng ako na ang magpapakilala " Miss ikaw na, introduce yourself"
"Czara Leigh Marques, 19" pakilala ko saka ako umupo.
"Total ngayon lang naman natapos at anong oras na rin ay sa susunod na meeting na lang tayo mag-klase. Nice meeting y'all and that's all for today class dismiss" at saka sya lumabas, sumunod na rin ang mga kaklase ko. Ng makalabas na silang lahat ay saka lamang ako lumabas habang hawak-hawak ko ang librong binabasa ko kanina.
___
Malapit lang naman ang apartment na tinutuloyan ko kaya naglakad na lang ako pauwi. pero bago yon ay dumaan muna ako sa convenience store para bumili ng makakain ko mamaya and as usual, noodles nanaman ang binili ko dahil tinatamad ako magluto dahil balak kong taposin ang librong binabasa ko kahit alam ko naman na ang ending dahil ilang beses ko na rin tong nabasa.
Pag labas ko ay dumiretsyo na ako sa tawiran at inantay mag kulay pula ang traffic light. Nang mag kulay red na ang traffic light ay tumawid na ako ngunit isang malakas na busina ang narinig ko dahil may isang humaharurot na sasakyan ang papalapit saakin at kasunod non ang mga pulis.
Naririnig ko ang mga sigawan ng mga tao ang paulit ulit na busina ng sasakyan na nasa harapan ko ngunit hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Kailangan ko umiwas ngunit parang may pumipigil sa paa ko na gumalaw. Ilang sandali lamang ay narinig ko ang isang malakas na kalabog at kasunod non ay naramdaman ko ang sakit ng pagkabangga saakin at naaninag ko ang dugong umaagos sa sahig.
CZARA!!
Isang sigaw ang naring ko bago ako nilamon ng kadiliman.