"uhm. can i join here?"
tinignan ko lang sya saglit saka ko binalik ang atensyon ko sa pagkain. Wag ako tanongin nya nakikiupo lang rin ako duh?
"yeah sure" sagot ni cassy dito.
"thanks. Im alora nga pala" pakilala nito pagkaupo nya.
oh! the humored girlfriend of Carter the great
napatingin ako kay thalea dahil sa nabasa ko sa isip nya. pfft hahaha Carter the great e? wth thea, may tinatago ka palang dugo ng pagiging chismosa? naiiling akong kumain ulit.
"ah hi, cassy nga pala and thats blair, thalea and raelle." pakilala nito dahil mukhang walang balak magpakilala yung dalawa. si thea ay parang ayaw sa presensya ni alora tapos si blair naman busy sa paglamon.
"hey!" tawag pansin ko kay thea using telepathy.
"is this you peachy?" thalea.
"ya"
"how can you do that?"
"obviously, i do have an ability to telepath."
"ah. why pala?"
"why is your face like that?"
"what do you mean?"
"looks like you don't want alora around?"
"well yea. she's dumb"
"why?"
"duh? inagaw nya sayo si carter tapos ngayon lalapit lapit sya na parang walang agawan na nangyari"
"she doesn't know"
"ha?"
"it's just us who knows that we're engage. i think he don't want others to know about it."
"yang carter talaga na yan walang bayag "
"what the hell thalea!"
"e totoo naman."
"by the way, wala na yung engagement"
"ha?"
"wala ng bisa yon. hindi na kami engage"
"why?"
"basta wala na " saka ko pinutol ang connection namin dahl mukhang wala syang balak tigilan ako kakatanong.
" Im leaving" paalam ko sa kanila saka umalis don saka nagtungo papunta sa dorm. gusto ko nang matulog.
after ko makarating sa dorm ay agad akong naligo saka dumiretsyo sa higaan para matulog.
__
It's 5 in the morning ng matapos ako mag ayos. I think napaaga ako kaya naman naisipan ko na lang mag insayo sa training room dahil yun lang din naman ang gagawin namin dahil nag p prepare sila para sa leveling.
I was wearing 3/4 leggings and sports b*a, a normal outfit pag mag e exercise. Pinatungan ko rin to ng jacket dahil medyo malamig pa tatangalin ko na lang mamaya . Hindi naman totally makaluma dito kaya nakakasuot pa rin ako ng ganto.
nakarating na ako sa training room and as expected wala pang tao dito. Usually 7 sila pumapasok.
naglakad ako papunta don sa pwesto ng section namin saka nagsimulang tanggalin ang jacket ko.
"So what should I do first?" tanong ko sa sarili.
nakatayo lang ako dito sa gitna ng may nahagip akong mga target banda sa gitna. hindi ko alam kung kaninong section ang naka pwesto dito pero bahala na aalis na lang ako mamaya wala pa naman sila.
tumayo ako 10 meters ang layo sa target saka ako gumawa ng pana na gawa sa sinulid saka ako pumusisyon at nagsimulang tamaan ang gitna ng target. Palayo nang palayo ang pagtira ko ng maramdaman kong may mga nakatingin saakin kaya nilibot ko ang paningin ko saka ko lang napansin na marami na palang tao dito. uhhh ilang oras na ba akong nandito? Tinignan ko naman ang oras sa taas ng entrance at nakita kong 7:30 na. ay? makaalis na nga.
naglakad ako pabalik sa section namin saka pumunta kung san nandon ang jacket at tumbler ko.
Carter's POV
nagbabangayan si Ryker at Krypton ng makarating kami sa training room at bumungad saamin ang nagkukumpulang mga estudyante kaya naman napahinto ang dalawa sa pagbabangayan
" anong meron? bat sila nagkukumpulan dyan?" tanong ni Ryker
"anong malay namin e magkakasama tayo? tanga ka ba?" sagot naman ni Krypton. Nagsimula nanaman silang magbangan pero natigil din ng humawi ang kumpulan saka namin nakita ang isang babaeng may hawak na pana at tuloy tuloy ito nagpapalibad ng palaso habang palayo nang palayo. sa tingin ko ay 100 meters na ang layo nya mula sa target.
What's with this girl? Tinignan ko ang target na pinapatamaan nya at ng makita ko ito ay na pamura na lang ako? what the heck? wala man lang syang napintis kahit isa lahat bullseye.
Mag t trenta minutos na rin syang nandyan at mukang ngayon nya lang napansin na maraming nakatingin sa kanya. Nang lumingon sya ay don ko lang nakita ang mukha nya. It's Cali.
"ohhh hot!" komento ni Ryker kaya napatingin ako dito at nakita kong namamangha sya sa nakikita nya.ganon din ibang estudyante mapababae o lalaki man. Nang ibalik ko ang tingin ko kay Calli ay nakatalikod na sya at naglalakad na sya papunta sa section nya na parang walang nangyari.
Primo's POV
nang makarating sya sa pwesto ng section nila ay nakatingin pa rin ang mga estudyante sa kanya kaya naman kitang kita nila ang ginawa nito. She picked up her jacket and after that she drink in the tumbler she was holding. she doesn't care on her surroundings e?
napansin kong napaiwas ng tingin ang mga lalaking nakatingin sa kanya habang namumula ang mga tenga nila habang mga babae naman ay namamangha pa rin sa kilos ng babaeng pinapanuod nila.
Silly Rae, she doesn't know how hot she is right now. Napapailing na lang akong tumalikod saka sinundan si Carter na papunta na sa spot namin. Tinapik ko naman yung dalawa dahil mukhang wala silang balak na umalis don.
Calli's POV
Pagkatapos kong uminom ay aalis na sana ako ng magsalita ang instructor namin.
" Miss Raelle were are you going?"
"dorm. I'll be back after a took a bath." sagot ko dito. Pawis na pawis ako no? kailangan ko maligo. Ano, sila fresh ako hindi na? asa sila dapat mas fresh ako sa kanila haha.
"ok. be back after an hour."
"whatever"
Asa. kakain muna ako bago ako babalik don.
Paalabas na sana ako ng makasalubong ko si Carter. Nilagpasan ko na lang sya dahil wala naman akong balak kausapin sya pero hinarang ako nung isang kasama nya.
" Hi miss, I'm Ryker pala how about you?" sabi nito. Wala akong balak na sagutin ito dahil wala lang haha mukha syang malandi kavibes nya si Blight. Nang mapansin nyang wala akong balak sagotin sa ay magsasalita sana ulit sya pero pinigilan na sya ng isa nyang kasama.
"Pagpasensyahan mo na tong ugok na to papansin kasi to. I'm Krypton pala" pakilala nito.
"Raelle" sagot ko saka ako umalis.