XIANNA 1st POV XIANNA! gumising ka! sigaw ng isip ko nang makita ko ang nakasulat na Casa sa harap ng malaking gusaling ito. Siyempre naman, ibinenta nga ako diba? Iniisip ko pa lamang na hahawakan ako ng mga lalaki ay nanghihilakbot na ako sa takot. Bahagyang nanginig ang buo kong katawan sa isiping iyon. "Wala na talagang chance para maka takas pa," anang isip ko pero hindi ko na iyon binigkas pa. Nawalan na ako ng pag-asang maka takas pa. Tumulo na lamang ang mga luha ko, naisip ko si Daddy, kung alam lamang niya ang nangyari sa akin siguradong tutubusin niya ako kahit magkano. At si Mama, napa-iling ako. Wala naman siyang paki alam sa akin, baka nga matuwa pa sa nangyari sa akin. Bumukas ang pito ng sasakyan at bumungad na naman ang lalaking kanina pa dumidikit sa akin. "Baba

