"f**k!" napamura si Nite nang makitang unti-unting natumba si Raj. Kanina pa kasi sila nagkokontrahan ni Apollo. Naka silip lamang ito sa hawak na telescope pero hindi mapakaling nakikipag diskusyon kay Nite. "What the f**k are you doing? Raj is down!" galit na singhal nito sa katabi. "What are you expecting, sige ang daldal mo d'yan! Makakapag concentrate ba ako?" aniyang ibinalik ang atensyon sa palapit na kay Raj na si Sandeep. "Target locked, kapag inabala mo pa ako sayo na ang susunot na putok nito!" aniya sabay kalabit sa gatilyo. Tumama iyon sa bandang batok ni Sandeep na noon ay nakatalikod na sa gawi nila. Nasa taas sila ng isang gusali sa di kalayuan kaya malabong may makakita sa kanila agad. "Hes down," si Apollo habang nakasilip pa rin sa hawak na largabista. Mabilis na

