XIANNA "Ma'am kumain na kayo, manghihina kayo niyan," pilit ng hardinero sa aking kumain. Mula kasi nang dalhin ako rito ay minsan pa lamang akong kumain. Kung hindi lang nanginig ang mga tuhod at kalamnan ko ay hindi talaga ako kakain. "Hindi ako nagugutom," sagot ko na hindi inalis ang tingin sa tv. Naiinip kasi ako kaya pinakialaman ko ang mga gamit sa bahay na to. At may hinahanap din ako, telepono. Pero kahit na galugarin ko na ang kabuo-an ng unit ay wala akong makita. Napaka high tech pero telepono wala. Mayroon man pero sa labas ng pinto lang konektado. "May cellphone ka ba?" tanong ko sa naglilinis pa ring hardinero. "Meron ho ma'am pero bawal raw kayong gumamit, yan ang mahigpit na bilin ni Sir Raj," aniya "Paano kayo nabubuhay dito sa isla? Natitiis n'yong kayo-kayo lang?

