Chapter 7

1654 Words
Bumaba siya mula sa kuwarto ni Xianna. Nabubuhay na naman ang kaniyang pagnanasa sa nakita. Kinalma ang nag-iinit na katawan at umupo sa malambot na sofa sa sala. Kinapa ang maliit na card sa kaniyang bulsa at inabala ang sarili sa pag dial sa kaniyang telepono. Hindi na niya natawagan ito kagabi dahil masyado nang late nang maka uwi siya. Naka ilang ring din bago inangat ang telepono sa kabilang linya. "Hello, Hart law office good morning!" malambing na sagot ng isang babae sa kabilang linya. Pumikit siya, bakit ba nang-aakit pati boses ng mga babae rito. Tumayo siya at huminga ng malalim saka nagsalita. "Yes, me I speak with Atty. Elliot Hart?" aniya sa kausap, siguro ay sekretarya ito ng abogado. "Me I know who is on the line please?" muling tanong ng babae at mas nilambingan pa nito ang tono. "It's Raj Shah, owner of Ind Rifle Corporation from India," tugon niya. Maya-maya pa ay tumikhim ang babae at nagsalita na sa pormal na tono. "I'm sorry sir but Mr. Hart is not available at the moment, I will let him know as soon as he come back from meeting," pormal na sagot nito, wala na ang malanding boses. "Alright then, thank you!" aniya saka pinindot ang end call button. Bumalik siya sa kinauupuan at nagkunwaring abala sa kaniyang cellphone nang marinig niyang pababa ng hagdan si Xianna. "guys, let's eat muna!" malakas na boses ni Jam ang kinwari'y pumukaw sa kaniya. Ang totoo nagugutom na rin siya, wala pa s'yang kain mula kagabi. Kumalam ang sikmura niya nang maamoy ang adobo mula sa dinning room. Pagkatapos kumain at magpahinga ng kaunti ay nagyaya agad si Xianna para umalis. Gamit pa rin ang kotse ni Jam ay dumiretso sila ng dalaga sa isang bagong bukas na mall. Malapit lamang ito sa Manila bay kaya tamang tama sa plano nitong panoorin ang sunset. Habang naglalakad, tila awtomatikong umangkla sa kaniyang braso ang mga braso ng dalaga. Nagulat siya, awkward nga lamang na magka hawak kamay sila pero hindi naman sila nag-uusap. Pinagtitinginan tuloy sila ng mga tao. Akala yata ay couple sila. Umayon na lamang siya sa trip ng dalaga. Isa pa, wala siyang panahon ngayon para makipag landian. Siguro, kung sa ibang pagkakataon lamang nangyari ang araw na ito ay kanina pa niya naikama ang dalaga. Pero kanina pa abala ang isip niya kung saan hahagilapin ang at abogadong nasa calling card. Hihintayin na lamang siguro niya na tumawag ang sekretarya nito. 4 DAYS AGO "I'm sorry sir, but you are not entitled to own any properties in the country without permanent residency," matiyagang paliwanag ng babaeng empleyado ng casa kay Raj. Gusto kasi niyang bumili ng sasakyan, nahihiya kasi siya kay Andrew na lagi niyang gamit ang sasakyan nito. Gusto rin niyang kumuha ng isang condominium unit sa Makati ngunit katulad ngayon ay ganoon din ang sinabi sa kanya ng real state na may hawak ng condo. "Hey, I heared you having trouble with some issues," mula sa kanyang likuran ay sumulpot ang isang lalaki, mukhang kagalang galang. Maayos naman ang approach nito kaya sinagot naman niya ng maayos. "yeah, sort of," matipid niyang sagot. "I can help you in legal issues," anito at inabot ang isang card. "I'm Atty. Elliot Hart, you can come to my office to discuss your issues," dagdag pa nito saka inilahad ang kamay. Inabot naman niya saka nagpasalamat. Nalaman niyang mayroon itong sariling Law firm sa lungsod. Malakas na boses ni Xianna ang pumutol sa kaniyang muni-muni, hinihila siya nito papunta sa cinema. "Halika manood tayo," excited na sabi nitong hawak pa rin ang kamay niya. "dalawa," sabi nito habang naka silip sa maliit na bintana ng ticket ticket booth. Sunod sunuran lamang si Raj sa dalaga. Mukhang iba ang energy nito. Pumasok sila sa sinehan. Action film ang napili nitong panoorin kaya nadala na rin siya sa seryosong panonood. Paminsan minsan at sinusulyapan niya ito. Hindi pa rin bumibitiw ang dalaga sa kaniyang kamay. Maya-maya pa ay bumigat ang kanyang balikat, bahagya palang naka sandig doon ang ulo ng inaantok na dalaga. Inunat niya ang kamay na tila nag anyayang isandal ng dalaga ang ulo sa kanya. Tiningnan siya nito sa mata at ngumiti. Kakaiba ang pakiramdam ng hindi mo kakilala pero concern ka. Ipinilig ni Raj ang ulo, 'ano bang nangyayari sa kaniya?' babae 'lang yan. Mahigit pa sa mahigit ang mga dumaang babae sa buhay 'nya pero never siyang nag-alala. Tapos na ang palabas pero naka sandal pa rin si Xianna sa binata. 'hmm, masarap sandalan pero iba pa rin ang amoy ng kaniyang si Mark!' Napabalikwas siya! Nasisiraan na ba siya ng bait? Ini-imagine talaga niyang ito si Mark! Pero ipinagtanggol siya ng isang sulok ng isip. Bakit ng ba hindi? Kamukhang kamukha niya ito, medyo mas macho at maitim 'lang itong si Raj, higit sa lahat magkaiba rin ang amoy! "Let's go," anang buong-buo na boses ni Raj, seryoso ang mukha nito. Inilahad nito ang kamay at inalalayan siyang tumayo. Paglabas ng cinema ay naglakad lakad muna sila, tulad ng dati ay naka angkla na naman siya sa bisig ng binata. Susulitin talaga niya ang 2 million! kahit na anong sabihin nito. Gusto lamang niyang maramdaman si Mark kahit sa huling pagkakataon. Katangahan na siguro ang ginagawa niya pero wala na siyang pakialam. Bahala na bukas! Ilang buwan na rin siyang umiiyak, ni halos hindi na makapag-concentrate sa kaniyang trabaho. Last na talaga 'to. Kahit isang araw 'lang sa piling ng replica ng nobyo. Bukas na bukas pipilitin na talaga niyang mag-move on. Hinila niya ang binata sa loob ng isang bookstore na nadaanan nila, bumili at nag basa-basa siya ng mga librong naroon. Tahimik lamang na naghihintay si Raj sa isang sulok. Maya't maya ang tingin sa cellphone na tila may hinihintay na tawag o mensahe. "Do you need anything?" tanong niya sa binata nang lapitan ito bitbit ang ilang pinamiling pocketbooks. "No, thank's," matipid nitong sagot at muling sumulyap sa kaniyang telepono. Dumiretso sila sa isang hair and nail saloon. Gusto niyang ipa-trim ang kaniyang buhok. Muli ay matiyagang naghintay na naman si Raj. Mag-aalas singko na nang matapos siya, nagpa-manicure na rin kasi siya. Mula nang mag-mukmok siya sa kanilang bahay matapos ang nangyari sa nobyo ay hindi na siya naka-dalaw sa ano mang parlor o saloon. Bumili siya ng ice cream sa isang ice cream parlor sa loob ng mall saka naglakad patungo sa likod ng gusali, doon nila hihintayin ang sunset habang kumakain ng paborito niyang cookies and cream flavored ice cream. "Hmmm, how did you know my favorite flavor?" tanong sa kaniya ng binata habang inaabot niya ang para rito. Kaparehong flavor na rin kasi ang binili niya. "really?" nasorpresang tanong niya. Hindi kasi sila magkasundo ni Mark ng flavor na gusto. Mahilig ito sa chocolate. "yep!" matipid nitong sagot saka ngumiti. Bitbit nito ang kaniyang mga pinamili pero sa pagkakataong ito, ang binata naman ang humawak sa kamay niya bago magpatuloy sa paglalakad. "let's go," anito saka marahang naglakad habang kinakain ang ice cream. Para silang mga bata naglalakad at walang pakialam sa paligid. Umupo sila sa puting buhanginan, parehong walang kibo, tila parehong iba ang iniisip. Si Xianna ay si Mark ang laman ng isip, ang mga magagandang gunita sa lugar na iyon. Si Raj ay ang hinihintay na tawag ni Atty. Hart. Maya-maya ay tumayo si Xianna. Palubog na ang araw at napakaganda nito, tila isang bolang apoy na unti-unting lumulubog sa karagatan. Malamig na rin ang simoy ng hangin kaya napayakap sa sarili si Xianna. Nakita naman ito ng binata, tumayo rin siya sa likod nito at walang ano mang yumakap sa dalaga mula sa likuran. Napapitlag ang dalaga sa ginawa ni Raj. Amoy niya ang matapang na pabango ng binata. 'guwapo na sana pero amoy luyang dilaw pa' sabi niya sa sarili, muntik na siyang ma-bahing. Nag baon ba ito ng pabango? hindi naman ganoon katapang ang amoy nito kanina ah'. Mabuti na lamang at biglang tumunog ang cellphone nito kaya nagmamadalaing lumayo at sinagot iyon. Nang matapos ang pakikipag-usap nito ay inaya na niya itong umuwi, pero tumanggi ito at siya naman ang dinala nito sa isang Italian restaurant. Pagkatapos kumain ay nagyaya na siyang umuwi. Kung titingnan siguro ng iba ay napaka-boring ng araw na iyon, pero para sa kanya ay simula ito ng kanyang muling pagharap sa kulay ng buhay na pansamantalang nawala nang mawala ang nobyo. Hindi lamang dahil kamukha ni Raj ang nobyo, kundi dahil nagdesisyon na rin siyang pakawalan ang sakit sa kaniyang puso, hindi man agad-agad pero sigurado siyang darating ang araw na matatanggap niya ng maluwag sa kalooban ang pagkawala ni Mark. Dahil malapit lamang ang tinutuluyan ni Raj sa bahay ng kaibigang si Jam ay inihatid na lamang niya ito kahit na ipinagpipilitan nitong ihatid siya at susunduin na lamang ng driver. "I know your'e tired, thank you for this day," naka ngiting baling niya rito. Ngumiti lamang ito saka tumango at tuluyang bumaba ng sasakyan. Parang nag-aabang na reporter ang kaibigan nang madatnan niya. Naghahapunan pa 'lang ito kasama ang kasambahay. Ganito 'lang ang kaibigan niya, walang pormalidad sa katawan, feeling niya tropa 'nya ang lahat. "Xiiin, ano'ng nangyari girl!" tili nito. "Bilis na! mag kuwento ka! daliiii...!" "Malaki ba? juice ko kinaya mo ba iha? malanding tanong nito. Mas malandi pa talaga ng sampung beses sa kaniya. "Sira ka talaga!" aniyang pinandilatan ang kaibigan. "Manang bigyan mo ng maiinom itong kaibigan ko! Mukhang natuyuan," dagdag pa nito. "Jaimeeeee," babala niya rito. "Manang samahan mo na rin ng aspirin, mukhang tatrangkasuhin ang best friend ko," sabi nitong tumayo na at humanda para tumakbo. "Aba't-" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil tumakbo na ito palabas ng dinning room at dumiretso sa silid nito. "Aaahhh! Raaajjj!" sabi pa nito habang tumatakbo, talagang nang-aasar. "Humanda ka Jaime!" sigaw na lamang niya rito. Narinig pa niya ang malakas na tawa ng kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD