CHAPTER 91 -------------------- RON POV ---------------------- "Sandali lang pupuntahan ko muna si Gwen," paalam ko kay Rey at agad akong nag punta sa gawing CR. Pero wala naman ng tao don. Kaya agad na kinutuban ako. Hindi naman siguro magagawa ni Gwen na umalis nalang basta ng walang pasabi. "Damn!" Mura ko nung maisip ko na gawain nga pala ni Gwen ang umalis ng walang paalam. Dali dali akong nagpunta sa parking lot to check on her car. At ganon nalang ang panlulumo na naramdaman ko nung wala na nga ito doon. Sa magkahalong lungkot at inis ko ay napabuga nalang ako ng hangin. At no choice na bumalik kay Rey. Pagbalik ko naman don ay naabutan ko na may kausap sya. Lalaki na parang nakita ko na kung saan. Nung maalala ko na sya yung boyfriend ni Gwen na s

