CHAPTER 82 ------------------------------ GWEN POV ------------------------------- Para kasing may mahika yung mga tingin nya sa akin. Yung parang pag sinalubong ko ang mga titig nya ay magiging sunod sunuran na ko sa mga gusto nya. Hinintay ko na dumapo ang palad nya sa pisngi ko pero hindi nangyari yon dahil parang may bagay na pumigil sa kanya. Kaya yung kamay nya ay na pending nalang sa hangin tapos ay ibinaba na nya. Nanatili nalang syang nakatitig sa akin. At hindi ko alam kung paano basahin ang reaksyon nya. Kung sakit ba yung nababasa ko sa mga mata nya o galit? Pero bakit? Sa aming dalawa ay ako dapat ang magdamdam o ang magalit dahil ako yung niloko nya. "Bakit bigla kang nagbago?" Seryosong tanong nya sa akin. Hindi ko alam kung ang tinutukoy pa ba

