CHAPTER 25 --------------- GWEN POV --------------- "Hindi ko sya gusto," maagap na sagot ko. "Tsaka may boyfriend na ako. Hindi na ako hahanap ng ibang lalaki na magugustuhan," dagdag ko pa sa sagot ko. "Okay, sabi mo yan ha," naka ngiting sabi nya sa akin. "Good catch na kasi sya, tignan mo nga ang gwapo nya at responsable pa." Sa sinabi nyang iyon ay napatingin tuloy ako sa gawi ni Ron na noon ay timing naman na nakatingin din sa gawi namin. "Malapit na, huwag na kayo mainip," nakangiting sabi pa nya sa amin. "Ang bango kasi! Nagugutom na tuloy kami," pabebeng sagot naman ni Roxanne. Yung halatang nagpapa cute sya kaya napatingin tuloy ako sa kanya. "Saglit nalang," energetic na sagot naman sa kanya ni Ron. For a moment tuloy ay parang gusto ko silang taasan ng kilay. Promise

