CHAPTER 130 ------------------------------ ROXANNE POV ------------------------------ Pagbalik ko kako ng Manila ay doon ko nalaman na pumanaw na pala si Thomas Sy. Yun din ang tinitignan kong dahilan kung bakit bigla nalang umalis si Theo sa isla at iniwanan ako. Simula nung araw na nalaman ko ang lahat ng katotohanan ay parang namatay na din ang puso ko. Pilit ko kakong ibinaon sa limot ang lahat hanggang sa nalaman ko na nagdadalang tao na pala ako.. Ikinuwento ko din kay Gwen kung bakit nagulo at nasira ang bahay sa Baler. Na frustrate kako ako sa balita nung babae ni Theo na ikakasal na sila kaya nagwala ako. Kasalanan ko din kako kung bakit muntik ng mamatay ang magiging anak ko. Kaya naman hindi ko na yon ulit gagawin. Tahimik lang si Gwen habang nakikinig sa akin. Alam nya

