CHAPTER 132 ------------------------------ ISLA One & Half Month Ago ------------------------------ THEO POV Nasisiyahang tinignan ko ang kagandahang nasa tabi ko. Hinding hindi ako magsasawang titigan si Roxanne kahit kailan. Kung pwede lang sana na tuwing gigising ako sa umaga ay sya na ang masisilayan ko sa kama. Kung mangyayari yon ay ako na yata ang pinaka maswerte at maligayang lahi ni Adan. Minsan pa ay dinampian ko ng halik ang pisngi nya. Sa pagod nya buong magdamag, sigurado ako na hindi pa sya magigising. Napangiti ako. Lalo na tuwing maaalala ko kung paano namin pagsaluhan ang mainit na damdamin namin para sa isa't isa. Iniisip ko ang mga namagitan sa amin nung nagdaang gabi nung marinig ko ang mahina pero sunod sunod na katok sa pintuan. Sa pag aakala kong si Mang

