CHAPTER 116 ------------------------------ ROXANNE POV ------------------------------ "Huwag ka ngang masyadong praning!" Sa wakas ay biro ko sa kanya. "Kamustahin natin si Inang Apas pagkagising nya. Malamang na tumaas ang presyon nya kanina kaya sya nahilo. At siguro nga kaya hindi sya makatayo ay dahil sa arthritis nya. Lahat naman yon ay natural na sa edad nya. At lahat yon magagawan ng paraan," console ko sa kanya tapos ay nginitian ko sya. Hindi ko alam kung paano ko talaga sya papakiharapan lalo na at pumayag na akong halikan nya. Kaso naisip ko na ibang sitwasyon naman ito kaya pinilit ko nalang ang sarili ko na ilagay muna sa isang tabi ang nangyari sa amin kanina. "Sana nga okay lang sya," sagot naman nya sa akin. "She will," paniniguro ko sa kanya. "Teka gabi na nga pala.

