"Anong ginagawa mo riyan?" Tanong ni Debbie sa kanyang asawa nang makita itong nagbubungkal sa kanilang garden. Nang angat ng ulo si Emmanuel at kinamayan ang asawa sa lumapit ito sa kanya. Nakanguso na naglakad palapit si Debbie sa kanya at inabot ang kanyang kamay. Agad naman siyang hinagkan sa noon ng asawa. "Magtatanim ako ng bulaklak, " aniya. "Iyong paborito mo syempre. " "Eh, bakit may kahon pa na letrang D? " Pinaharap niya sa kanya ang asawa. "Hindi mo parin na gets bakit letrang D? " Kunot-noo na umiling ang asawa. "Bakit?" "Initial name mo 'yan. Ganoon kita ka mahal, " saad niya at mabilis na hinalikan sa labi ang asawa. Namula ang magkabilang pisngi ni Debbie sa sinabi ng asawa. Na antig ang puso niya sa ginawa nito na para sa kanya ang itatanim nitong bulaklak. B

