Akala ko, pagkatapos ng nangyari kagabi ay maging maayos na kami ngunit hindi pala. Naging marahas pa siya sa akin ngayon. Kaunting mali lang ay bulyawan na ako. Hindi ko lang masagot kaagad ang tawag niya sigawan kaagad ako. Pinagbuhatan rin ng kamay at mas malala pa ngayon. Agad kong sinara ang laptop nang pumasok siya sa kwarto. Abot langit ang kaba ko ng makitang masama ang timpla niya kaya agad akong lumapit sa kanya at nanginginig ang kamay na kinuha ang bag na dala niya at ipinatong iyon sa ibabaw ng lamesa. Marahas niyang binaklas ang kamay ko ng hubarin ko sana ang coat na suot niya. Masama niya akong tiningnan bago tinalikuran. Mariin akong napalunok at lumabas sa kuwarto. Isang buwan. Dalawang buwan na pagtitiis ko sa kamay niya. Ito ba ang tunay na siya? Ang tunay na pagkatao

