Chapter 8

1965 Words
Muntik ko nang maitulak si Emmanuel sa gulat nang pagmulat ko nakayakap na ako sa kanya. Banayad ang kanyang bawat paghinga. Ang kanyang kanang kamay ay nakapatong sa kanyang noo at ang isa ay ginawa niyang unan. Umingos ako at dahan-dahan na bumitaw nang yakap at tumalikod nang higa sa kanya. Kaya pala masarap ang tulog ko dahil kumportable ako sa kayakap ko na akala ko unan. Ang matigas na hubad na katawan pala iyon ni Emmanuel. Nanatili muna akong nakahiga ng sampong minuto bago naisipang bumangon. Anong oras na ba? Nagtungo ako sa kusina at nagluto. Bacon at omelette ang niluto ko since may shrimp pa naman akong natira kagabi. Pinainit ko iyon at ginawa kong fried rice ang tira kong kanin kagabi. Sayang kung itapon, maraming tao ang nagugutom tapos ako magsayang lang ng pagkain. Nilapag ko iyon lahat sa lamesa pagkatapos maluto ang lahat at bumalik sa kwarto para maligo. Ngunit nasa banyo si Emmanuel kaya sa banyo dito sa kusina nalang ako naligo. Since may lakad ako ngayon, 'yong dress na suot ko noong kasal namin ang suot ko ngayon. Paglabas ko ng banyo siya ring pagpasok ni Emmanuel sa kusina. Sandali pa itong huminto nang makita ako , blangko ang kanyang tingin at walang salita na dumiritso sa ref at uminom ng tubig. 'Wala manlang good morning. Kahit hi. ' himutok ko sa aking isipan. "Kumain ka muna, marami naman itong niluto ko, hindi ko ito maubos," alok ko sa kanya at kumuha ng plato. " Gusto mo ba ng kape? Ipagtimpla kita." "Alahanin mo ang sarili mo hindi ang ibang tao." Malamig na saad niya at tinalikuran ako pabalik sa kwarto. What's wrong with him? Siya na nga itong inaalala siya pa nag iinarte! Ginagampanan ko lang ang papel ko bilang asawa niya kahit hindi naman siya nagpaka-asawa. Kasal lang kami sa papel. Pero hindi niya ako mahal. Pero sa ngalan ng asawa kaya ko gampanan ang papel ko sa buhay niya kahit walang kapalit. Hinugasan ko ang pinagkainan ko pagkatapos kong kumain. Pumasok ako sa kwarto upang magpaalam kay Emmanuel na aalis na ako. He's wearing a black long sleeve, nakaharap siya sa salamin habang tinutupi ang manggas nito hanggang siko. Kumabog ang puso ko nang magtagpo ang tingin namin sa salamin. I cleared my throat. " Aalis na ako. .sa ano lang ako p-pupunta-, " Kinuha niya ang kanyang coat at bag. " Sumabay kana sa akin. " " Hindi na-, " " Sa mall ang punta ko, sumabay ka na. " Dinampot ko sa ibabaw ng mesa ang atm na bigay niya at nagmamadaling sumunod sa kanya sa labas. Ni lock ko ang pinto at patakbo na lumapit sa kanyang sasakyan na nakaparada sa gilid ng bahay. Nasa driver set na siya ngunit nakabukas pa ang pinto nito. "Hey!" Nagtataka na tiningnan ko siya nang tawagin niya ako nang buksan ko ang pintuan ng sasakyan sa likod. "Anong akala mo, taxi itong sasakyan mo? Dito ka sa harap," masungit na saad niya at sinara ang pinto. Tumakbo ako paikot sa passenger seat at nagmadaling sumakay doon, muntik pa ako ma untog. Pagka-upo ko, inabot niya sa akin ang sling bag ko na naiwan ko dito one week ago. Hindi man lang siya nag response nang magpasalamat ako. Binuksan ko iyon at hinanap ang cellphone ko. s**t! Patay ako kay Cathalea at Ashnaie nito! "May charger ka?" Nahihiya na tanong ko sa kanya. " Lowbat kasi." Kinuha niya ang power bank sa bag niya at inabot sakin ng wala man lang salita. May speaking disorder yata siya. Tinanggap ko iyon at nagpasalamat. Hinayaan kong naka charge ang phone ko hanggang sa makarating kami sa kanyang shopping mall. Nilahad niya sakin ang kanyang kamay. "Akin na cellphone mo," saad niya nang huminto kami sa parking lot. "Ha? Aanhin mo ang cellphone ko?" Takang tanong ko at nilapag iyon sa palad niya. Hindi siya sumagot at kinukutkot ang cellphone ko. Maya-maya ay ibinalik niya sa akin. "What is your number?" "Bakit?" "So, I could contact you?!" Masungit na sambit niya, magkasalubong pa ang kilay. "Uh. Yeah. Okay." Nahihiya na kinuha ko ang cellphone niya at nilagay ang number ko doon. Hindi ako slow na tao pero pagdating sa kanya ang laki kong tanga at bobo. "Umm. Baba na ako. Damit lang naman bibilhin ko. .at saka makipagkita pala ako sa mga kaibigan ko baka gabihin ako. Ayos lang ba? " " Do whatever you want, " malamig na tugon niya at pinatay ang makina ng sasakyan. Bumaba na ako at naglakad papuntang entrance. Hindi ko namalayan na nakasunod pala siya sa akin, nabunggo niya pa ang likuran ko ng bigla akong huminto. "Sorry." Malamig niya akong tiningnan at nauna siyang pumasok. "Good morning, Sir." Napaismid ako ng hindi niya binati pabalik ang kanyang empleyado. Kaya pala halos mga empleyado dito masungit kasi mana sa amo nila. "Escort her to the ladies department," saad niya sa babae na nakasuot ng sky blue blouse at black palda na hanggang tuhod ang taas. "Hindi na kailangan," nahihiya na sambit ko at tipid na ngumiti sa babae. " Kaya ko, hindi na kailangan." "Escort her," saad niyang muli at naglakad paalis hindi pinansin ang sinabi ko. Mahina akong bumuntong hininga at sinundan siya ng tingin. Ang pinaka ayaw ko sa lahat iyong may sumusunod sa akin kapag bumibili ako, pakiramdam ko bawat galaw ko binabantayan niya. Ayoko yong pinapakialam ang bawat pipiliin ko. Ang mag-suggest kung alin ang maganda na bibilhin ko. "Miss, huwag mo na ako ihatid alam ko kung saan pupunta," malumanay na saad ko dito. " Eh. Ako ang managot kapag hindi ko sinunod si-, " " Fine," inis na sambit ko." Basta huwag mo akong susundan pagdating doon. " Padabog akong naglakad at sumakay escalator papuntang second floor. Ang babae naman ay nasa likuran ko siya nakatayo. Anong akala niya sa akin hindi kabisado ang buong mall? Ilang taon kaya akong pabalik -balik rito noon hanggang sa ikasal kami para lang masilayan siya kahit saglit. Sa bargain ako dumiritso. Hindi naman ako mahilig sa mga branded na damit bukod sa mahal ito hindi ko rin sariling pera ang ibibili ko ng mga iyon. Kaunti lang ang bibilhin ko, marami akong damit sa apartment ko at mga bago pa ang mga iyon sayang hindi ko rin naman masuot lahat. Pumili ako ng damit pangbahay, buy one take one iyon kaya sampong piraso ang kinuha ko. Sampong piraso rin na dolphin shorts na iba't iba ang kulay. Nilagay ko iyon sa basket na dala ko. Kumuha rin ako ng isang kahon ng panty, muntik na akong mapamura nang makita ang presyo doon. Ang mahal. Limang daan sa anim na piraso lang. Ibalik ko sana nang magsalita ang babaeng kasama ko. Bethany pala pangalan niya at siya ang supervisor dito sa ladies department. "Best seller ho yan ma'am." Hindi ko siya sinagot at sinilid nalang iyon sa basket. Kumuha pa ako ng isang kahon na mura lang ang presyo. Twelve pieces iyon at three hundred plus lang. Nang sa bra section na ako hindi ko na napigilan ang mag mura. Isang piraso two hundred pesos ang pinakamura. Pumili ako ng bra kung saab kumpotable akong suotin iyon. Limang piraso ang kinuha ko, siguro labhan ko lang pagkatapos kong gamitin. Kailangan ko na talaga umuwi sa apartment ko. May nakita akong pajama. Cotton iyon at malamig ang tela. Ang sarap niyang hawakan, ang lambot. Dalawang piraso ang kinuha ko. Pumili narin ako ng tsinelas na suotin ko sa bahay at sapatos para sa trabaho ko. "Miss, maupo ka muna," saad ko kay Bethany. Kanina pa siya sunod nang sunod sa akin baka masakit na ang paa niya at baka pagod na siya. Ngumiti siya sa akin. " Ayos lang ako ma'am. Sanay ho ako." "Maupo ka muna dito," turo ko sa upuan dito sa shoes section. Nilapag ko doon ang basket na puno ng pinamili ko. "Dito lang naman ako maghanap ng sapatos, hindi ako lalayo." Tumango siya at umupo doon ngunit binabantayan ang bawat galaw ko. Naawa ako sa kanya. Hindi naman ako parte ng trabaho niya pero parang aso kung makasunod dahil sa utos ng amo niya. Dalawang piraso ang kinuha ko at isang flat sandal. Tumayo si Bethany nang bumalik ako sa kinaroonan niya at binitbit ang basket. "Hala! Ako na magdala!" Gulat na sambit ko at inagaw sa kanya ang basket. Ngumiti siya at umiling. " Ako na ma'am, mahirapan na kayong bumitbit niyan." Hindi na ako umangal dahil nangangalay na rin ang kamay ko. "May promo ba ngayon?" Tanong ko sa kanya nang makarating kami sa mga banded na section. "Yong Levi's at Fubu lang yata ma'am. Nag less rin ang ibang item ng fifty percent." Nabulunan ako sa sariling laway nang marinig ang salitang fubu. Naala ko yong sinabi ni Sir David noong nakita niya kaming magkatabi sa kama ni Emmanuel. " Ayoko sa Fubu. Baka may biglang lumapit sa akin na lalaki at alokin ako sa motel isipin na kailangan ko ng f**k body. " Bethany chuckled." Hindi ko akalain na alam mo pala ang salita na iyan ma'am." "Well," kibit-balikat na sambit ko. Alam na alam ko talaga yan dahil sa mismong harapan ko iyan sinabi ng biyanan ko. Tatlong pantalon ang binili ko na tag three hundred fifty at limang t-shirt na pwedeng pang gala at tatlong white t-shirt para sa trabaho ko. Nang matapos kong maisukat lahat ay pumunta na ako sa counter upang magbayad. "Una na ho tayo ma'am, mataas ang pila," Bethany said. "Huwag na. Maging unfair yon sa iba," kinuha ko ang basket sa kanya at nilapag sa sahig. " Bumalik kana sa trabaho mo, magbayad nalang naman ako." "Hintayin ko nalang kayo matapos ma'am." Mataas ang pila at maging unfair ako kung mauna ako sa kanila. Hindi na nga nila inuna yong buntis tapos ako sisingit. "Ilang taon kana dito Bethany?" "Isang taon palang." "Anong klaseng boss ni Emmanuel?" "Hmm. Maayos naman. Strikto siya pagdating sa trabaho. Kahit cold and snob iyon na boss pero maayos ang trato niya sa kanyang empleyado lalo na pagdating sa sahod at benefits. "Hindi ba siya nangbubulyaw ng empleyado niya?" "Wala pa akong nabalitaan ma'am." Tumango-tango ako. Dapat lang naman siguro na maayos ang trato niya dahil kompanya niya ang masisira kung pairalin niya ang magaspang na ugali niya. " Paging SLD Bethany, please proceed to the third floor. Paging SLD Bethany, please proceed to the third floor." "Sandali lang ma'am ha, punta muna ako sa counter, tatawag lang ako sa costumer service." Tumango ako sa kanya. Siya yata iyong tinutukoy sa paging. Nagkibit-balikat lang ako at hinintay ang pagbalik niya. "Ma'am, akyat raw tayo sa third floor utos raw ni sir." Sinalubong kami ng seryosong mukha ni Emmanuel pagkarating namin sa isang counter na walang tao. Nakatayo siya at ang dalawang kamay ay nasa magkabilang bulsa. "Iwan mo riyan sa counter ang pinamili mo si Bethany na ang bahala riyan. Come to my office, magpalit ka ng damit mo, " ma awtoridad na saad nito. Pumasok si Bethany sa counter at isa isang sin-wipe ang pinamili ko. "Ma'am pwede mag tanong?" Alanganin na sambit niya. Tumango ako. " Ano niyo po si sir?" Bulong niya. Napalunok ako. Hindi ko alam ang tamang isagot sa kanya. I cleared my throat. Ano ba ang isagot ko dito? Wala namang nakakaalam na kasal kami ni Emmanuel bukod sa ama niya. Hindi naman ito nila isinapubliko. "Ahm-," "She's my wife." Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha. Napatanga si Bethany sa gulat. Pati ang ibang empleyado na nakarinig sa sinabi ni Emmanuel ay nagulat rin na lumingon sa amin. Napayuko ako. Pakiramdam ko pulang-pula ang mukha ko. Isinapubliko niya na asawa niya ako. Kahit sa papel lang iyon subrang saya ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD