Amara POV Sino ba naman hindi hahagulgol sa mga nabasa ko. Ang nobyo ko daw na si Luther ay may nobyang iba, tanggap ko pa iyong hinahanap siya ng pamilya niya pero yung may nobya siya iba hindi ko kakayanin iyo. Hindi ko kayang maging the other woman sa madaling salita at pinasakit na salita, kabit. "Damn what happened Love?" natatarantang alo nito sa akin. Mababakasan na rin ng husto ang pag-aalala ang mga mata niya. Akmang yayakapin niya ako ng umiwas ako, nakita kong nasaktan siya sa naging reaksyon ng katawan ko pero nasasaktan talaga ako. "Totoo ba Luther na wala ka pa ring ni katiting na naalala ngayon?" humihikbi ko pa ring tanong sa kanya. "Love huwag mo naman akong pag-alalahin ng ganito, honestly speaking Love may mga panaginip ako na parang nangyari na sa akin pero katiting

