Amara POV "Uhmm good morning po Ma'am Amara." magaang bati sa akin ni Miss Giselle ang bagong tutor ng mga anak namin. "Good morning din Miss Giselle, halika at ng masamahan kita sa lugar kung saan gaganapin ang pagtuturo mo sa mga anak namin." nakangiting tugon ko sakanya at inignora nalang ang narinig ko kaninang bulong niya na crush niya ako. Normal lang naman ang magkakarcush, ang mahalaga ay hindi ako papaagawa dahil kay Luther lang naman ako. "Salamat po Ma'am." nakangiting tugon nito sa akin at sumunod na siya sa paglalakad ko patungo sa sala kung saan gaganapin ang trabaho niya. Nakita kong nasa gilid lang ng mga chikiting namin sina Yaya. Nakaupo ang mga bata suot na nila ang uniporme nila, super cute talaga ng mga anak namin. "Kids batiin niyo na si Teacher Giselle niyo.

