Luther POV Napatingala ako para pigilan ang mga luha ko na kanina pa walang tigil na pumapatak. Madilim na ang langit para ngang uulan pa sa mukhang nakikiayon din ang panahon. I believe in God, walang duda iyon. Hindi ako magmamalinis pero nagkaroon ng pait sa puso ko na alam kong mali. Gaano ko man kamahal si Amara hindi ko kayang agawin siya sa pagsisilbi niya sa Panginoon. Kaya ko naman siyang mahalin na hindi humihingi ng kapalit mula sa kanya, ganun ko kamahal si Amara. Kung ang puso niya ay para mag lingkod sa Panginoon rerespetuhin ko iyon. Masakit man para sa akin pero handa akong magparaya dahil alam kong may plano ang Panginoon kung bakit siya naging isang madre. Kaya ko namang mahalin si Amara kahit sa malayo lang, handa akong magmahal kahit malayo siya. Sobrang hira

