"I'm sorry. Hindi ko alam." Umiiyak ko pa rin sambit. "Ssshh don't cry Sweetheart, tapos na 'yon." "B-bakit hindi mo sinabi sa akin. Sana hindi ako nagalit sa'yo, Kurt sorry." "Look at me Sweetheart," utos ni Kurt dahan dahan-dahan n'ya pang inangat ang mukha ko upang magtagpo ang ang paningin namin. Pinunasan n'ya rin ang luha sa mata ko gamit ang kanyang daliri. Pasinghot singot din ako barado na ang ilong ko sa kakaiyak. Ang tagal kong nagalit kay Kurt. Pero hindi naman pala dapat. Kung nasaan kami ni Janice ngayon utang namin kay Kurt 'yon. "Tahan na Sweetheart, namumula na ang mukha mo," awat pa ni Kurt saka ako hinalikan sa noo. Muli akong yumakap sa kanya. Nakaramdam ako ng kapayapaan sa mga bisig n'ya. Pakiramdam ko ligtas ako sa kanya. Hinihimas rin ni Kurt ang ulo ko haban

