"Paano ang set-up? Sinong matutulog sa kama?" Agad kong tanong kay Kurt. "Mamaya na natin pag usapan Sweetheart mag lunch muna tayo gutom na ako," Napabuntong hininga na lang ako. Mukhang araw ko ngayon sa dami ng kamalasan ko. Bumaba kami ni Kurt para mag lunch. Ngayon araw rin kami pupunta sa restaurant na under construction pa pero within a month tapos na s'ya. Naglakad na kami pababa nagulat pa ako ng akbayan n'ya ako. Kaya naman tinulak ko s'ya pero hindi pa rin n'ya inalis ang kamay sa balikat ko. "Sweetheart, nangangalay ang kamay ko hayaan mo lang muna please," samo pa n'ya sa akin. Kaya naman wala akong nagawa kundi hayaan ang gusto n'ya naiilang ako sa tingin ng mga tao na nakakakita sa amin. Parang mga kinikilig pa. Nang makarating sa restaurant pinaghila pa ako ni Kurt

