Araw na pinakahihintay namin ni Kurt sa haba at daming pangyayari na sumubok sa aming pagmamahalan. Sa wakas sa simbahan na rin ang tuloy. Finally ikakasal na ako sa bestfriend ko! Hindi ko lubos maisip sa dami ng hindi magandang bagay. Ang nangyari sa buhay namin na pilit naglayo sa amin. Napatunayan namin ni Kurt na mas higit na makapangyarihan ang pag ibig. Kung mananalig tayo sa dakilang plano ng Lord sa buhay natin. Mangyayari at mangyayari kahit pa ang mga bagay na impossible. May tao mang nawala sa buhay namin. Naniniwala ako na may papalit dito. Hindi ko mapigilan hindi humanga sa kabuuan ko ng muli kong pagmasdan ang sarili sa suot kong Trahe de boda napaganda nito. Simple ngunit mukha naman elegante ang pagkakagawa nito isang white long sleeve at round neck na pinalamutian ng se

