Wala akong pasok ngayon kaya naman naisip ko na pumunta sa mansyon para kuhanin ang naiwan kong apron. Pero baka nasa bahay pa si Kurt kaya naisipan ko tanghali na lang ako pupunta. May lakad din kasi kami nina Janice at Kevs, n'gayon. Kaya naman tanghali na ako bumangon nang bumaba ako tahimik pa ang kabahayan.
"Baka wala pa sina Nanay," sambit ko pa.
Naglakad ako papunta ng toilet para maghilamos. Nang makatapos binuksan ko ang pagkain na nasa lamesa. Sinangag at Daing na Bangus ang niluto ni Nanay. Nagtimpla ako ng kape at kumuha ako ng Chocolate sa ref.
Magana akong kumain namiss ko ang ganitong pagkain. Pagkatapos kong kumain niligpit ko ito at dinala ko sa lababo para hugasan. Kumuha ako ng tuwalya sa kwarto para makaligo na. Isang Denim short at White plain T-shirt ang napili kong suotin. Kinuha ko ang rin White sneakers sa cabinet. Naglagay lang ako ng liptint at hinayaan ko lang nakalugay ang mahaba at natural na wavy hair ko. Nag-spray rin ako ng paborito kong pabango na Vanilla scent. Saka ko kinuha ang bag pack ko. Umikot muna ako sa salamin bago ako lumabas ng bahay.
"Siguro, naman wala na s'ya sa mansyon." sambit ko pa habang sakay ako ng tricycle.
Nang nakakababa hindi muna ako nag doorbell tinignan ko muna sa labas kung wala na ang sasakyan ng makita ko na wala agad akong nag doorbell.
"Tatay Ben," bati ko sa matanda.
"Oh! Dior. Napasyal ka?" nagulat pa ang matanda sa akin.
"May, kukuhanin lang po ako. Nariyan po ba si Ate Jo?" Tanong ko pa dito.
"Oo, nasa Pool area Anak, puntahan mo na lang."
"Sige, po Tatay, pasok na po ako,"
Ngumiti lang ito sa akin. Nagtuloy ako papunta ng Pool area bigla akong natawa ng maaalala ko na muntik nang malunod si Kurt nong mga bata pa kami dahil sa hindi s'ya marunong maglangoy noon.
Bigla naman akong napangiwi ng maisip ko kung bakit ko pa 'yon binabalikan.
"Erase! Erase!" Utos ko pa sa isip ko.
"Parang tahimik naman yata." sambit ko pa. Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa gilid ng swimming pool. Nagulat pa ako ng biglang umangat sa tubig si Kurt sa mismong tapat ko pa. Napatingala pa ito sa akin. Kaya naman nagtama ang mga paningin namin dalawa na agad ko rin naman binawi.
Sinuri pa nito ang kabuuan ko. Saka ngumiti.
"Bastos ka talaga!" Naiinis ko pang sambit sa kanya. Kaya naman napaatras ako palayo sa harapan nito.
"What?" Gulat pa nitong tanong sa akin.
"Paano ako naging bastos Chef D? Wala pa akong ginagawa sa'yo," painosenteng tanong nito saka ngumisi pa.
Umahon na Ito sa tubig napasinghap pa ako ng makita ko ang ayos nito. Kaya naman napatalikod ako bigla dahil wala syang suot na damit tanging swimming trunks lang.
"Chef D..." tawag n'ya sa akin pero hindi ko s'ya nilingon.
"Dior..." tawag muli nito pero nanatili akong nakatalikod naramdaman ko pa s'ya na nasa gilid ko na.
"Pwede ba! Takpan mo muna 'yang katawan mo! At naaalibadbaran ako!" Pagalit ko pang utos sa kanya.
Bigla naman itong humagalpak ng tawa na mas lalo ko pang kinainis.
"Why? There's nothing wrong about my body." Buong pagmalaki pa nitong sambit.
"I have a nice body." pagyayabang pa nito.
"Pwede ka ng humarap Chef D," utos n'ya sa akin.
"Subukan mo, lang na i-prank ako Kurt! Babasagin ko yang nasa pagitan ng mga hita mo!" Galit ko pang banta sa kanya. Mas lalo pa itong natawa sa huli kong sinabi.
'Dior, bayolente ka na ngayon ha! Sayang naman ang maganda kong lahi kung gagawin mo 'yon," Buska pa nito sa akin saka sinabayan pa ulit ng tawa.
Nang mukha naman hindi ito nagbibiro humarap na rin ako. Nakatapis na s'ya ng tuwalya pero exposed pa rin ang katawan nito. Kaya naman nag iwas ako ng tingin at binaling ko sa kabilang side.
"Ibigay mo na sa akin ang apron ko!" Inis ko pang sambit dito.
"Anong apron?" Tanong nito habang nagpupunas ng katawan. Hindi tuloy ako makatingin ng deretso sa kanya.
"Pwede ba Kurt, tigilan mo ako! Ibigay mo na nagmamadali ako!" Padarag ko pang wika.
Napatigil naman ito sa ginagawa at tinitigan ako habang nakakunot ang noo nito.
"Where are you going?" Malamig nitong tanong sa akin.
"Wow! Anong paki mo?" Taas noo ko pang tanong sa kanya.
"Just answer me!" Medyo tumaas pa ang boses nito kaya naman inirapan ko s'ya.
"None of your business Kurt Jimenez! Just give me my apron para makaalis na ako," masungit ko pang sambit.
"Hintayin mo, hahanapin ko pa." sagot n'ya. Saka naglakad paalis ng pool area.
Tumirik ang mata ko sa sobrang iritasyon na nararamdaman ko.
"Hoy! Anong hahanapin mo? Hawak mo na nang isang araw lang! Iniinis mo ba talaga ako!" Sigaw ko pa sa kanya. Hindi man lang ako nilingon nito. Kaya naman asar na asar ako habang nagpapapadyak pa ng sumunod sa kanya sa loob.
"Ano ba Kurt! Ibigay mo na nga!" Singhal ko pa sa habang sinusundan ko s'ya.
Hanggang makarating sa tapat ng kwarto nito.
"You, want to join me inside?" Tanong nito saka kinagat pa nito ang pang ibang labi.
Kaya hindi ko napigilan hindi umigkas ang kamay ko sa ulo nito.
"Tantanan mo ako! Pag hindi mo 'yon binigay bukas. Humanda ka sa akin!" Banta ko pa. Tatalikod na sana ako sa kanya nang bigla n'ya akong hilahin pabalik. Sa lakas ng hila n'ya napasubsob pa ako sa dibdib nito. Nagkatinginan pa kaming dalawa.
"Kurt? Dior? Anong ginagawa n'yo?"
Sabay pa kaming napalingon ni Kurt sa pinagalingan ng boses. Nanlaki pa ang mata ko ng makita ko si Madam Adelaida. Na malawak ang ngiti. Kaya naman bigla kong naitulak si Kurt.
"Abuela naman! Istorbo." reklamo ni Kurt. Habang nakasimangot pa. Halos pamulahan ako ng pisngi sa inasta nito.
Gusto ko s'yang tuhodin dahil sa sinabi nito.
Tumawa pa si Madam Adelaida dahil sa sinabi ni Kurt. Halata rin na kinilig pa ito sa amin.
"Kailangan ko ng umalis dito," bulong ko pa sa sarili.
"Madam Adelaida, mali po ang inisip n'yo. May kinukuha lang po ako, kay Kurt, sa katunayan po paalis na rin po ako," pangangatwiran ko pa dito.
Lumapit pa ako ng bahagya kay Kurt para may sabihin.
"Subukan mong hindi ibalik ang apron ko! Gagawin kong Century egg 'yang nasa baba mo!" Banta ko pa sa kanya, na tinawanan lang nito.
"Bye po, Madam Adelaida," sabay takbo ko palabas.
"Kurt Jimenez! Bwesit ka talaga!" Gigil na sambit ko pa.