Rabi Ang nangyari kagabi ay isa sa mga pangyayari sa buhay ko na di ko kailanman makakalimotan, grabe ang takot ko akala ko mamatay na kami, grabe ang alon at hangin para nang tinatangay ang yati. Kada hampas nito sa yati para na rin lumalabas ang kaluluwa ko sa aking katawan. Sa buong durasyon ng storm nakakapit lang ako kay Adric sa kanya ako kumukuha ng lakas. Nang bumaba kami, kitang kita ko kung gaaano ka taas ang alon, lumalampas na sa taas ng yati. Ang mga crew at captain ng yati ay sobrang busy nila, nakipagcommunicate si Adric sa kanila. Kitang kita ko kung gaano katakot ang ibang kasamahan namin, halos lahat nag-iiyakan na. Ang mga businessman na kahit mayaman ay parang basang sisiw, walang magawa sa situation bakas ang takot sa mukha, nasa isang sulok ni walang paki-alam sa ka

